TAIWAN - Bukas na ang aplikasyon para sa 2023 One-Forty School Phase 1 o mga kursong skills development para sa Pinoy migrant workers sa Taiwan sa ilalim ng pamumuno ng Pinoy One-Forty, isang non-governmental organization na nagsusulong ng mga kapakanan at patuloy na pag-unlad ng South East Asian migrant workers kabilang na ang mga Pilipino.
Mga lumahok sa nagdaang mga kursong handog ng Pinoy One-Forty sa Taiwan
May tatlong (3) kurso o klaseng pwedeng salihan ang mga interesadong makilahok sa phase 1 tulad ng:
- Mandarin Class
- Oras ng klase: March 12, April 16, May 7
- 09:30 - 11:30
- Slots: 40 katao
- Registration/tuition fee: NT$ 1,000
- Computer Class
- Oras ng klase: March 12, April 16, May 7
- 09:30 - 11:30
- Slots: 20 katao
- Registration/tuition fee: NT$ 800
- Business Class
- Oras ng klase: March 12, April 16, May 7
- 14:30 - 16:30
- Slots: 20 katao
- Registration/tuition fee: NT$ 800
Schedule ng 2023 One-Forty School Phase 1 sa Taiwan
Kabilang sa Mandarin class kung paano gumamit ng oras at ng measure words, habang kasama sa computer class ang basic computer skills at kahit sa wala pang experience sa paggamit ng computers at kaalaman sa pagnenegosyo at paghahanap ng trabaho naman ang kabilang sa business class.
Para sa development courses na ito, maaaring makatanggap ng full attendance scholarship ang makakakumpleto ng lahat ng kurso sa phase 1 tulad ng mga sumusunod:
NT$ 1,000 - Mandarin class
NT$ 800 - Computer class
NT$ 800 - Business class
Detalye para sa pagpaparehistro sa 2023 One-Forty School Phase 1 sa Taiwan
Sa mga interesadong lumahok sa mga klase, maaaring magparehistro sa link na ito.