FACT CHECK: Hindi totoong nagpahayag ng suporta si Venus Raj kay Bongbong Marcos | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FACT CHECK: Hindi totoong nagpahayag ng suporta si Venus Raj kay Bongbong Marcos

FACT CHECK: Hindi totoong nagpahayag ng suporta si Venus Raj kay Bongbong Marcos

ABS-CBN INVESTIGATIVE & RESEARCH GROUP

 | 

Updated Feb 11, 2022 02:13 PM PHT

Clipboard

FACT CHECK

Hindi inendorso ni Miss Universe Philippines 2010 Venus Raj si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., taliwas sa pinapalabas ng isang kumakalat na pinekeng video sa Tiktok at Facebook.

Sa nasabing pinekeng video na unang pinost sa Tiktok noong Dec. 29, 2021, mapapanood ang video ni Raj na nilapatan na caption o teksto na “tuloy ang pagbabago, no to yellow tard, BBM SARAH.”

Pero kung papakinggan ang mismong sinasabi ni Raj ay wala naman siyang inendorso na kahit sinong kandidato. Tanging ang tinalakay lamang ni Raj ay ang mga “values” na kailangang kilatisin ng mga botante sa pagpili nila ng susunod na mamumuno sa bansa

Ang orihinal na video na pinamagatang "May pag-asa pa nga ba ang Pilipinas?" ay mula sa Facebook page ng non-profit organization na Christian Values Movement (CVM).

ADVERTISEMENT

Ayon sa website ng CVM, “We are not a political party, nor are we a ministry. We are a movement - a movement formed to pursue the vision of Biblical values being embraced and lived out.”

Ang nasabing pinekeng video ay nai-share na rin ng iba’t-ibang accounts sa Tiktok at Facebook. Isa na sa mga nag-repost ng pinekeng video ay ang account na “Saan na nga b? Ang Barkada Ngayon,” na ang inilapat na teksto naman ay “Miss Universe VENUS RAJ Solid BONGBONG MARCOS!”

Ang post ay may caption na: “Ctto Venus taj (sic) Please support may (sic) page pa like share at follow thanks.”

Kinundena na ng CVM ang paggamit sa kanilang video sa paraan na taliwas sa kanilang hangarin.

Sa isang pahayag sa kanilang Facebook page noong Dec. 31, 2021, nilinaw ng CVM na wala silang ini-endorsong kahit sinong kandidato: “We would like to inform everyone that CVM does not promote nor endorse any candidate and is not affiliated with the Tiktok user @nashprecilciano. CVM stands for Christian Values as guide to choose the right leaders for our nation.”

ADVERTISEMENT

Naglabas muli ng isa pang paglilinaw ang CVM noong Jan. 10, 2022.

“Ang pagnanakaw ng aming non-partisan videos upang baluktutin ang aming mensahe para sa mga Pilipino at Christian Values ay walang lugar sa isang mabuting adhikain,” pahayag ng Christian Values Movement sa kanilang Facebook page.

FACT CHECK

Ang pinekeng video na unang pinost sa Tiktok noong Dec. 29, 2021, ay mayroon na ngayong 101,700 views. Karamihan sa mga post ng naturang Tiktok account ay nagsusulong ng kandidatura ni Marcos at kanyang ka-tandem sa pagka-bise Presidente na si Sara Duterte.

Samantala, ang Facebook account naman na nag-share ng video na nagngangalang “Saan na nga b? Ang Barkada Ngayon” ay may kategoryang “Personal Blog” at ginawa noong Dec. 18, 2011. Dating tungkol sa mga anime ang ipino-post ng naturang account pero simula noong Nobyembre 2021, halos lahat ng posts sa account na ito ay nage-endorso na kay Marcos at Duterte.

Sa ngayon, ang pinekeng video sa nasabing Facebook account ay mayroon nang 36,000 reactions, 2,000 comments at 11,000 shares.

ADVERTISEMENT

Panawagan ng CVM sa mga kandidato at kanilang mga taga-suporta, huwag gamitin ang ganitong pamamaraan ng pagbaluktot sa tunay na mensahe para lang i-endorso ang isang kandidato. – research by Ann Charrize Calusa, ABS-CBN Investigative & Research Group

ABS-CBN News is part of the Philippine Fact-Checker Incubator Project, which supports different news organizations in building their fact-checking capacity to meet international fact-checking standards.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.