FACT CHECK: Hindi pinaglagyan ng pintura ang mga timbang ipinamigay ni Robredo | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FACT CHECK: Hindi pinaglagyan ng pintura ang mga timbang ipinamigay ni Robredo

FACT CHECK: Hindi pinaglagyan ng pintura ang mga timbang ipinamigay ni Robredo

ABS-CBN Investigative & Research Group

Clipboard

false stamp

Hindi totoo ang pahayag ng dating broadcaster at talunang 2010 vice-presidential candidate na si Jay Sonza sa kanyang Facebook page noong January 12 na hindi ligtas ang mga water container o timba na ipinamimigay ng Angat Buhay Project ng Office of the Vice President.

Ayon sa post ni Sonza, pinaglalagyan diumano ng pintura at may nakalalasong lead content ang nasabing mga timba. Sa kanyang post, inilagay ni Sonza ang isang larawan na kinuha mula sa website ng Physicians for Peace-Philippines kung saan makikita ang mga puting timba at ang anunsyo ng proyekto.

Ang mga water container na ito ay donasyon ng Project H2O ng Mu Sigma Phi Fraternity at ng Physicians for Peace-Philippines noon pang 2017. Ipinamahagi ang mga water filter container sa Marawi Clash Relief Operations ng OVP.

Matapos mag-viral ang post ni Sonza, kaagad naglabas ang Mu Sigma Phi Fraternity, na nakabase sa UP Colleg of Medicine, ng pahayag para linawin na ang mga nasabing timba ay ligtas gamitin.

ADVERTISEMENT

“Ang Project H20 ay gumagamit ng mga timbang pansala at panlinis ng tubig na angkop na gamitin sa pagkain, ligtas at hindi nagtataglay ng nakakalasong kemikal.”

Mu Sigma Phi Statement



Taong 2016 nang ilunsad ni Vice President Leni Robredo ang Angat Buhay project na naglalayong matulungan ang mga mahihirap na pamilyang Pilipino sa Metro Manila at liblib na mga probinsya.

Burado na ngayon ang nasabing post ni Sonza na umabot sa halos 6,000 reaction, halos 4,000 comment at nai-share ng mahigit 700 beses.

ABS-CBN News is part of the Philippine Fact-Checker Incubator Project, which supports different news organizations in building their fact-checking capacity to meet international fact-checking standards.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.