PBA player John Amores, kapatid kulong matapos mamaril ng nakaaway sa basketball | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PBA player John Amores, kapatid kulong matapos mamaril ng nakaaway sa basketball

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Sumuko na sa pulisya sa Lumban, Laguna ang PBA player na si John Amores at ang 20-anyos na kapatid niyang lalaki, ala-una ng madaling araw nitong Huwebes.

Ayon sa Lumban PNP, mismong ang kapatid ng mga suspek na isang barangay chairman sa bayan ng Pagsanjan ang nakipag-ugnayan sa kanila para sa boluntaryong pagsuko ng dalawa.

“Nag-voluntary surrender po [sila] dito sa ating station dahil nagkakaroon na nga raw po sila ng threat sa kanilang buhay. Sa kanila pareho,” ani PMaj. Bob Louis Ordiz, hepe ng Lumban PNP.

Ang basketbolistang si Amores ang suspek sa pamamaril sa isang lalaki sa Barangay Maytalang Uno hapon nitong Miyerkules.

Sakay si Amores sa motorsiklong minamaneho ng kanyang kapatid.

Nakaligtas ang biktima habang walang nadamay na sibilyan.

Away sa basketball ang tinitingnang anggulo ng mga awtoridad sa pamamaril.

“Nagkaroon ng dayo sa Barangay Salac. Meron silang tawag na hindi napagkasunduan. Nagsimula doon sa hindi pagkakasunduan then nagkaroon ng hamunan ng suntukan hanggang umabot sila sa Barangay Maytalang [Uno] at doon sila nagpang-abot. Naghamunan ulit ng another suntukan. Si John Amores ay may dala ng baril at pinaputukan na itong ating victim,” dagdag ni PMaj. Ordiz.

Dagdag ng pulisya, may pustahan pa umano ang dalawang grupo na aabot sa apat na libong piso.
Dagdag ng pulisya, may pustahan pa umano ang dalawang grupo na aabot sa apat na libong piso.
ADVERTISEMENT
Ayon sa residente ng Bgy. Salac na si Eugene, napansin niyang may kinukuha sa motorsiklo ang kasama ni Amores habang nagkakaroon ng komosyon sa basketball court ang dalawang grupo.

“Parang may bag, e. Parang may something doon sa motor. ‘Yon ang nakita ko. Hindi ko malaman, siyempre hindi mo masasabing baril ‘yon. Hindi ko nakita. Pero no’ng nagkakaroon ng komosyon, ‘yong isa, hindi ko alam kung kapatid ni Amores ‘yon, may something siya na [kinukuha] doon sa motor. Sa u-box,” kwento niya.

Nakatakdang sumailalim sa inquest proceeding ngayong araw ang magkapatid na Amores na mahaharap sa kasong attempted murder.

Hindi narekober ang baril ni Amores dahil itinapon niya umano ito matapos ang pamamaril, ayon sa pulisya.

Nakiusap sa PNP ang biktima na hindi siya magpapa-interview sa media.