Pinoy weightlifters na kasali sa 2024 Paris Olympics, balik Pilipinas na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pinoy weightlifters na kasali sa 2024 Paris Olympics, balik Pilipinas na

Pinoy weightlifters na kasali sa 2024 Paris Olympics, balik Pilipinas na

Job Manahan,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nakabalik na sa bansa nitong Miyerkoles ang tatlong weightlifters na nag-qualify sa 2024 Paris Olympics at sinabing excited na sila para sumabak sa kompetisyon sa Hulyo.

Galing pa sa Phuket, Thailand para sa International Weightlifting Federation World Cup ang two-time Olympian na si Elreen Ando at first time na nag-qualify sa Olympics na sina Vanessa Sarno at John Ceniza.

Sabi ni Ando, masaya siyang natupad ang hangarin na mag-qualify sa Paris Olympics nang makabuhat ng kabuuang 228kg sa 59kg weight division.

Nang tanungin kung nagkaroon ba siya ng pressure nang makasama ang unang Pilipinong Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz sa kaparehong kategorya, aniya, “Wala namang pressure. Malaki ang tiwala ko sa sarili ko.”

ADVERTISEMENT

“Nag-usap kami. Nag-thank you ako sa kanya (Diaz) at nag-good luck siya sa akin,” dagdag niya.

Hindi nakapag-qualify si Diaz sa Paris Olympics nang malampasan ni Ando ang kanyang record na 224kg. Isa lang ang pwedeng ipadala ng Pilipinas kada weight class sa Olympic Games.

Samantala, excited at kumpiyansa ang kapwa atleta niyang si Sarno sa paparating na Olympics.

“Sobrang masaya kasi first time ko mag-qualify ng Olympics,” sabi ng 20 anyos na atleta. “Ang dami kong sacrifices. Una is 'yung maging away sa family ko,” dagdag niya.

May ilan na aniya siyang gagawin para paghandaan ito at kasama na rito ang pangangalaga sa kanyang mental at pisikal na pangangatawan.

“Hindi ako magpapadala sa lahat ng ingay (at) sana sa Olympics, walang injury na mangyayari. 'Yung pinaghahandaan ko is ma-meet 'yung best ko at may goal ako at target na total para mapanalo, makapanalo ako ng medalya,” aniya.



Inspirasyon umano niya si Diaz na nagpayo na mag-focus lang sa kanyang goal.

“Ang sabi niya ay always kong tatandaan 'yung goal ko, focus lang ako sa goal ko palagi, huwag mag-doubt sa sarili,” sabi niya. 

Masaya rin si Cenizo na nakapag-qualify siya sa Olympics, lalo na’t marami siyang injuries bago ang World Cup sa Thailand. 

“Magte-training pa rin, i-improve ko pa rin 'yung total, tataasan ko pa rin 'yung total ko,” sabi ni Ceniza.

“Kahit isang kilo lang mahirap i-improve talaga. Gagawin ko pa rin na (ma)-improve para lalakas ulit,” dagdag niya.

Walang ibinahagi na schedule ang mga atleta para sa kanilang pag-eensayo.

Samantala, ilan pa sa mga Pinoy na atletang lalahok sa Paris Olympics ay sina pole vaulter EJ Obiena, boxers na sina Eumir Marcial, Nesthy Petecio at Aira Villegas; at gymnasts na si Carlos Yulo at Aleah Finnegan. ###

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.