Manny Pacquiao binigyang pugay sa 'ASAP' | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Manny Pacquiao binigyang pugay sa 'ASAP'

ABS-CBN News
Published Jul 28, 2019 02:52 PM PHT
|
Updated Jul 28, 2019 06:39 PM PHT

(UPDATE) Binigyang pugay nitong Linggo sa "ASAP" ang "Pambansang Kamao" na si Manny Pacquiao kasunod ng pagkapanalo nito laban sa Amerikanong boksingerong si Keith Thurman.

Sinalubong ng mga tagahanga si Pacquiao na bumida sa maikling motorcade sa Center Road sa ABS-CBN Compound.

Matapos iyon ay dumeretso si Pacquiao sa "ASAP" studio, kung saan inawit sa kaniya ng Kapamilya stars ang kaniyang kantang "Para Sa 'Yo Ang Laban Na Ito."

Ayon kay Pacquiao, masaya siyang nakapagdala muli ng karangalan para sa bansa.

ADVERTISEMENT
"Para sa ating lahat ang karangalang ito," ani Pacquiao.

Nanalo noong Hulyo 21 (araw sa Maynila) si Pacquiao laban kay Thurman sa pamamagitan ng split decision at nakuha ang World Boxing Association welterweight championship.

Sa panayam ng ABS-CBN News, sinagot din ni Pacquiao ang usapin ukol sa posibleng paghaharap nila ni Floyd Mayweather Jr.

"Sa akin is, I have no problem with that, to fight with him basta active pa naman ako," ani Pacquiao.

"Ang problema sa kaniya lang kasi nasa retirement pa siya," dagdag niya.

Hindi pa man napaplantsa ang susunod na laban pero sinabi ni Pacquiao na game siyang muling sumabak sa 2020.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, pumunta sa website ng ABS-CBN Sports.