Boxing: Sino ang liyamado sa labanang John Riel Casimero, Naoya Inoue? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Boxing: Sino ang liyamado sa labanang John Riel Casimero, Naoya Inoue?

ABS-CBN News
Published Jun 24, 2020 07:04 PM PHT

Para kay Filipino world junior bantamweight champion Jerwin Ancajas, patas ang laban sa pagitan ng kababayang si John Riel Casimero at Japanese world titlist Naoya Inoue.

Sa panayam sa "The Hitlist Vodcast," sabi ni Ancajas na may punching power ang dalawa.

“Sa opinyon ko naman, 50-50 yang laban na yan kasi hindi naman natin maipagkaila na si John Riel ay malakas na boksingero lalo na ngayon sa 118 (lbs) at nakikita natin yung mga laban niya na talagang may pampatulog talaga si John Riel,” ang sabi ni Ancajas.

“Ganon din si Inoue, kapag di ka rin mag-ingat, may tsansa din.”
“Ganon din si Inoue, kapag di ka rin mag-ingat, may tsansa din.”
ADVERTISEMENT
Nakatakda sanang magharap sa isang triple world bantamweight title unification bout sina Casimero at Inoue nitong Abril pero isinantabi muna ang laban dahil sa COVID-19 pandemic.

Hawak ni Casimero ang korona ng WBO, samantalang si Inoue naman ang namamayani sa WBA at IBF.

Inaasahan ni Ancajas na magiging paunahan ang labanan kapag natuloy na ito.

“Para sa akin talaga, 50-50 ako sa laban na yan kasi pag-babasehan natin yung istilo, hindi naman gaano magkalayo, sa lakas na lang talaga. Paunahan sila talaga ni Inoue,” ani Ancajas.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT