Kumpletong workout, puwedeng isabay sa pagsasaing | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kumpletong workout, puwedeng isabay sa pagsasaing

ABS-CBN News
Published Jun 19, 2017 07:11 PM PHT

Higit 10 minuto ang oras na ginugugol sa pagsasaing ng bigas. Sa loob ng oras na ito, maaari nang mag-ehersisyo at malaki na ang maitutulong nito para maging fit at toned ang katawan.

Habang nagsasaing, maaaring sundan ang 'rice cooker workout'. Hindi na kailangang lumabas ng bahay para gawin ito at walang kagamitan na kailangan.

Limang ehersisyo lamang ang kailangan gawin at malaki ang epekto nito sa legs, lower body, chest, arms, abs, at glutes.

- Push ups
- Leg raises
- Leg Kicks
- Knee Raises
- Squats
- Push ups
- Leg raises
- Leg Kicks
- Knee Raises
- Squats
ADVERTISEMENT
Maaaring gawin nang hanggang tatlong beses ang bawat ehersisyo na may tig-15 bilang.

Payong kalusugan naman para sa buong pamilya, mainam na subukan ang brown rice imbes na white rice dahil mayaman ito sa fiber, bitamina, at iba pang mineral na kailangan ng katawan.

-- Ulat ni Dyan Castillejo, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT