Dating Ginebra player Erik Menk, nag-enjoy sa unang biyahe sa jeepney | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dating Ginebra player Erik Menk, nag-enjoy sa unang biyahe sa jeepney

Dating Ginebra player Erik Menk, nag-enjoy sa unang biyahe sa jeepney

ABS-CBN News

Clipboard

Ngayong retirado na si dating PBA MVP Erik Menk, marami na siyang oras para sumubok ng iba't ibang karanasan, partikular ang iba't-ibang bagay na konektado sa kulturang Pilipino.

Kamakailan lamang, kumain ang Fil-Am basketball player ng balut sa unang pagkakataon.

At sa isang video na kanyang in-upload sa YouTube nitong Martes, ipinakita niya ang kanyang unang experience sa pagsakay ng jeep.

"I fit in here. I have enough space," ani Menk, na may tangkad na 6-foot-6 at tila dalawang tao ang sakop nito sa kanyang pagkakaupo.

ADVERTISEMENT

Nang inabot niya ang kanyang bayad, tinanggihan ito ng driver, na parang nakilala ang Barangay Ginebra player.

In-interview ni Menk ang ilang pasahero pati ang driver, at bakas sa mukha ni Menk na nag-e-enjoy siya sa kanyang biyahe.

"It's nice to get out there and meet the people who are so friendly," sabi ni Menk. "I'm glad I did it. Maybe I'll do it again."

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.