MPBL: Ray Parks, sigurado na sa Mandaluyong El Tigre | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

MPBL: Ray Parks, sigurado na sa Mandaluyong El Tigre

MPBL: Ray Parks, sigurado na sa Mandaluyong El Tigre

ABS-CBN News

 | 

Updated May 23, 2018 12:15 PM PHT

Clipboard

Matapos ang pagkakaantala, opisyal nang pumirma ang two-time ASEAN Basketball League MVP na si Bobby Ray Parks Jr. sa Mandaluyong El Tigre para sa susunod na conference ng Maharlika Pilipinas Basketball League.

Ito ang kinumpirma ng agent ni Parks na si Charlie Dy sa FOX Sports Philippines Martes ng gabi.

Ang 6’3” na si Parks na tinanghal na Finals MVP ng ABL 2018 ang pinakabagong manlalaro ng El Tigre na isa sa mga karagdagang koponan sa MPBL.

Hindi na ibinahagi pa ang laman ng kontrata ni Parks.

ADVERTISEMENT

Nauna nang napigil ang pagkakakuha kay Parks dahil kinailangan munang tingnan kung kwalipikado ang basketbolista upang matawag na ‘homegrown player.’

Mayroong alituntunin ang MPBL na naglilimita sa bawat koponan sa isang ‘Fil-foreign’ player lamang at hindi lalagpas sa 6’4” ang taas.
Hati naman ang naging reaksyon ng iba’t ibang opisyal ng mga team na kalahok sa regional league sa bansa.

Ayon kay Pio Castillo Jr. ng Cebu Sharks, magiging pabor sa kanilang koponan ang rule na ito dahil magkakaroon ng balanse sa laki ng mga manlalaro sa lahat ng kasali sa liga.

“We all know based on other leagues in terms of advantages, if you have bigger, heftier players that’s a great plus to your team. So basically we are favorable to the policy being imposed by the MPBL to the management,” ani Castillo.

Hindi naman nakikitang problema ni Mermann Flores ng General Santos Warriors ang pagkakaroon ng higit sa isang Fil-foreign player lalo pa’t handa sila kahit sino ang makaharap na koponan.

“Sa amin OK lang kahit ilan pang Fil-foreigner. Basketball is basketball, ‘di ba? So it doesn't really matter who you put against us. We will try to compete regardless,” pahayag ni Flores. “Pero kung 'yun ang rule, we should follow.”

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.