Pacquiao 'maingat' sa ensayo kontra Matthysse | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pacquiao 'maingat' sa ensayo kontra Matthysse

ABS-CBN News
Published May 22, 2018 09:51 PM PHT
|
Updated May 22, 2018 09:59 PM PHT

Inilahad ni Manny Pacquiao nitong Martes na nag-iingat siya sa kaniyang pagsasanay para sa darating niyang laban kontra sa Argentine na si Lucas Matthysse.

Nagsimula na muli si Pacquiao sa kaniyang pag-eensayo matapos ang isang taong pahinga para paghandaan ang nalalapit na pagtutuos nila ni Matthysse sa Hulyo.

Dumating na rin ang kaniyang strength coach na si Justin Fortune mula sa Amerika upang tumutok sa pagkokondisyon kay Pacquiao.

Kasama ni Fortune sa pagplano sa magiging ensayo ni Pacquaio ang coach ng boxing champ na si Buboy Fernandez.
Kasama ni Fortune sa pagplano sa magiging ensayo ni Pacquaio ang coach ng boxing champ na si Buboy Fernandez.
ADVERTISEMENT
"We have to train smartly, he’s still fast, very fast, and he’s still very strong. More rest periods for him [and] more careful time for him," ani Fortune.

Sang-ayon naman dito si Pacquiao na kahit matindi ang pagsasanay ay sinisigurong may sapat siyang oras para magpahinga.

"Hindi tayo bumabata, inaano natin ang recovery ng katawan so bakit natin pipilitin," ani Pacquiao.

"Minsan 'pag maganda ang jogging sa umaga, skip muna ng training sa hapon," dagdag niya.

Importante naman kay Pacquaio ang darating na laban kontra kay Matthysse dahil kailangan niyang bumangon mula sa huli niyang laban.

Hindi pinalad si Pacquiao noong nakaraang taon na manalo sa laban kontra sa Australian na boksingero na si Jeff Horn.

"Pressure nang kaunti [dahil] kailangan maipakita natin na andiyan pa ang skill natin," ani Pacquiao.

Magtutuos sina Pacquiao at Matthysse sa Kuala Lumpur, Malaysia sa darating na Hulyo 15 para sa World Boxing Association (WBA) Welterweight Championship belt.

-- Ulat ni Dyan Castillejo, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Manny Pacquiao
Lucas Matthysse
World Boxing Association
TV Patrol
Dyan Castillejo
Boxing
Justin Fortune
Buboy Fernandez
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT