NCR muling nagreyna sa Palaro volleyball | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
NCR muling nagreyna sa Palaro volleyball

Karl Cedrick Basco,
ABS-CBN News
Published May 04, 2019 04:37 PM PHT

DAVAO CITY—Bumalikwas sa ikaapat na set ang National Capital Region bago tuluyang umarangkada sa deciding set upang madepensahan ang titulo sa secondary girls volleyball ng Palarong Pambansa kontra sa Western Visayas 22-25, 25-9, 23-25, 25-17, 15-6 sa UP Sports Complex sa lungsod na ito Sabado.

Dehado sa pagpasok ng ika-4 na kanto ng laban, nagpaulan nang sunod-sunod na atake si Alyssa Solomon ng NCR na kinakatawan ng National University girls volleyball team upang itayo ang 13-7 pag-abante.

Nagpatuloy ang pananalasa ni Solomon nang umiskor na magkakasunod sa back row at tuluyang iwan ang naghahabol na Western Visayas.

Pagpasok ng ika-5 yugto ng laban, unti-unting lumayo ang NCR dahil sa sunod-sunod na error ng Region VI, kabilang ang 2 magkasunod na service error na nagbigay sa kalaban ng komportableng 12-6 kalamangan.

ADVERTISEMENT
“I think we need to have the knowledge ano ’yung nagyayari sa Palaro. Sabi ko kumapit lang. Nahirapan kasi sila na ma-adapt ’yung environment sa Palaro,” tugon ni head coach Regine Diego ng NU.

Hindi na nakapuntos pa ang mga delegado ng kanilang katunggali na pinangalanan na Blue Barons. Tinanghal na MVP sa liga si Solomon na kaniyang pangalawang parangal matapos buhatin ang Calabarzon 2 taon na ang nakakalipas.

“Mas masaya na nag-champion kami kaysa sa MVP. Inisip talaga namin na sa amin ito. Siguro nag-relax at wala sa focus gawa ng crowd,” pahayag ni Solomon.

Impresibo rin ang ipinakitang laro ni Shane Carmona ng Western Visayas matapos makailang ulit na buhatin ang kaniyang koponan sa buong sagupaan lalo na sa una at ikatlong set.

Sunod-sunod na down-the-line hits ang ipinukol ni Carmona, ginawaran ng best receiver award, upang ibandera ang 18-16 na kalamangan sa ika-3 set.

“Baka talaga hindi para sa amin ’yung game kasi kung para sa iyo talagang ibibigay ni Lord kahit gaano kalaki ang abante ng kalaban. Pero binigay naman namin ’yung best namin,” ani Carmona na Grade 11 student ng Bacolold Tay Tung High School.

Samantala, nakuha rin ng NU boys volleyball team na kumatawan sa NCR ang kampeonato sa Palaro matapos walisin ang Western Visayas.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.