DOTA, Mobile Legends isasama ba ng DepEd sa Palarong Pambansa? | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
DOTA, Mobile Legends isasama ba ng DepEd sa Palarong Pambansa?

Karl Cedrick Basco,
ABS-CBN News
Published May 01, 2019 04:13 PM PHT

DAVAO CITY — Sa dami ng mga Pilipinong nahuhumaling sa online games ngayon, hindi nakakagulat na itinuturing na ito bilang isang tunay na isport na kung tawagin ay e-sports.

Sa katunayan, kasama na ang ilang online games sa darating na Southeast Asian Games na gaganapin sa Pilipinas bilang medal sports.

Ngunit sa kabila nito, handa na ba ang Department of Education na buksan ang Palarong Pambansa para sa mga atletang nakapokus sa online games?

Inamin ni Palarong Pambansa 2019 secretary-general at DepEd undersecretary Revsee Escobedo na hindi pa napag-uusapan sa Palaro Board ang maaaring pagsama ng e-sports kagaya ng Mobile Legends at DOTA sa taunang kompetisyon.

ADVERTISEMENT
Ayon sa kaniya, maraming laro na nasa SEA Games ang pinag-iisipan ng departamento na isama bilang demo sport sa Palaro subalit mas pinili nila na gawin ang larong Pinoy ngayong taon alinsunod na rin sa hiling ni Secretary Leonor Briones.

“The secretary wants to include larong Pinoy in the regular Palarong Pambansa sports. Maybe next year, we have larong Pinoy as demo sports with other sports. But not online games,” paliwanag ni Escobedo sa ABS-CBN News.

Dagdag pa ni Escobedo, prayoridad ng Palaro Board ang mga larong makapagpapalakas at pabuti sa motor at physical skills ng mga batang manlalaro.

“There are positive and negative observations with regards to online games. What is important is we have to balance. What is important to us, the officials of DepEd, is the holistic development of our lifelong learners,” ani Escobedo.

Bagamat hindi pa napag-uusapan ngayon, nilinaw nito na hindi nila sinasarado ang pinto para sa online sports. Nais lamang nila pag-aralan maigi ang mga benepisyong maaaring makuha ng mga estudyante sa e-sports.

Samantala, patuloy naman ang mga pagbabago aniya sa pagsasagawa ng Palaro lalo pa’t marami sa mga isport ay nangangailangan na ng teknolohiya. Pagbibida ni Escobedo, sumasabay na ang DepEd sa teknolohiya sahol na rin sa tulong ng Philippine Sports Commission (PSC).

“Yes, we are adapting to the technology. We are implementing technological innovations. The PSC is very strict when it comes to compliance with international rules and standards,” pahayag ni Escobedo.

“Some of the equipment we will use in Palarong Pambansa are borrowed from PSC like in swimming,” dagdag pa nito.

May 21 regular sports na pinaglalabanan sa ngayong edisyon ng Palaro sa Davao City bukod pa sa demo sports na dancesport at pencak silat.

Naging aktibidad din noong Linggo bago magsimula ang kompetisyon ang larong Pinoy na kinatampukan ng patintero, kadang-kadang, sack race, at tug of war.

“Larong Pinoy is no longer part of the regular sports. But these larong Pinoy, these are cultural heritage that we cherished. This indeed a cultural treasure to Filipinos,” saad ni Escobedo.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, pumunta sa website ng ABS-CBN Sports.