Mga Pinoy nagluluksa sa pagpanaw ni NBA legend Kobe Bryant | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga Pinoy nagluluksa sa pagpanaw ni NBA legend Kobe Bryant

Mga Pinoy nagluluksa sa pagpanaw ni NBA legend Kobe Bryant

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 27, 2020 07:23 PM PHT

Clipboard

Ipinalalabas ang larawan ng pumanaw na basketball icon na si Kobe Bryant sa screen sa labas ng Staples Center sa Los Angeles, California, U.S. Enero 26, 2020. Monica Almeida, Reuters

(UPDATE) Pinagluluksa ngayon ng maraming Pinoy na tagahanga ni Kobe Bryant ang biglaang pagpanaw ng basketball legend nitong Lunes (Manila time).

Pumanaw si Bryant, isang 5-time NBA champion kasama ang Los Angeles Lakers at 2-time Olympic gold medalist, sa edad na 41 SA helicopter crash sa Calabasas sa California, United States.

Kasamang namatay ni Bryant sa aksidente ang 13 anyos niyang anak na si Gianna at 7 iba pa.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kabilang sa mga nagpahayag ng kalungkutan sa pagpanaw ng NBA superstar ang Malacañang, na nagpaabot din ng pakikiramay at inalala madalas na pagbisita ni Bryant sa bansa.

ADVERTISEMENT

"Mr. Bryant was a frequent visitor in the Philippines. He was well-loved by his Filipino fans," sabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa isang pahayag.

"On the hard court, he was a sight to behold with his dexterity and accuracy in sinking that ball in the ring. He was a master of his craft. The basketball world has lost one of its legendary greats," ani Panelo.

Sa social media, bumuhos din ang paggunita kay Bryant mula sa mga lokal na politiko, atleta, at showbiz personality.

Watch more in iWantv or TFC.tv

"The world lost a legend today but the impact and legacy he leaves behind will last forever," sabi ng boxing icon at senador na si Manny Pacquiao sa isang tweet.

"Lost for words. No[t] the news I wanted to hear when I woke up... You were one of the reasons I played the sport, Kobe. You are the reason why I want to be great," anang basketball player na si Kiefer Ravena.

ADVERTISEMENT

"Heard the news when I got up an hour ago but still couldn't quite believe it. [Rest in piece] Kobe," isinulat naman ng dating national basketball team head coach na si Chot Reyes sa isang Instagram post.

Kabilang naman sa mga artistang nagpahayag ng gulat at pagkalungkot sa pagpanaw ni Bryant sina Anne Curtis, Jaya, ZsaZsa Padilla, Ogie Alcasid, Gary Valenciano, Bianca Gonzales, at Donny Pangilinan.

Noong Linggo, isang araw bago ang pagpanaw, pinasinayaan sa Valenzuela ang isang convention center na tinawag na "House of Kobe," kung saan makikita ang mga naglalakihang mural ng basketbolista, mga banner ng kaniyang achievements, at ibang memorabilia na inihanda nang ilang taon.

Pangarap sana umano ng mga taga-Valenzuela na mabisita ni Bryant ang center pero hindi na ito matutupad.

Unang bumisita si Bryant sa Pilipinas noong 1998.

ADVERTISEMENT

Sa kaniyang unang punta, agad napamahal ang noo'y 20 anyos na atleta sa mga Pinoy. Nagsuot siya ng barong at sinubukan pang sumayaw ng tinikling.

Bumalik si Bryant noong 2007, 2009, 2011, 2013, at 2016.

Sa huling punta, nakalaro pa ni Bryant ang ilang piling manlalaro mula sa University Athletic Association of the Philippines at Philippine Basketball Association.

Sa Los Angeles, California, sumugod sa Staples Center ang libo-libong fans ni Bryan para mag-vigil.

Aminado naman ang mga awtoridad sa Amerika na matatagalan sila sa imbestigasyon dahil sa lugar kung saan bumagsak ang helicopter ni Bryant. -- May ulat nina TJ Manotoc, Dyan Castillejo, Jervis Manahan, at Pia Gutierrez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.