'Buhay na buhay': Efren Bata Reyes, pinabulaanan ang fake news na pumanaw na siya

ABS-CBN News

Posted at Jan 16 2021 02:06 PM | Updated as of Jan 16 2021 07:19 PM

Sinisipat ni Efren "Bata" Reyes ang cue ball sa isang billiard game. George Calvelo, ABS-CBN News/File

Buhay at sumasargo pa sa billiard's table ang dating world champion na si Efren Bata Reyes sa gitna ng mga usap-usapan sa social media na pumanaw na ito.

 

Mismong kampo ni Reyes ang nagpadala sa ABS-CBN News ng video kung saan makikitang naglalaro ito ng bilyar sa Pampanga para pabulaanan ang pekeng balita na kumalat sa social media.

"Heto po ako, buhay na buhay," biro ni Reyes, na isa sa mga tinitingalang atleta sa bansa.

Maririnig din ang kumukuha ng video na sinasabing buhay na buhay ito na sinabayan pa ng mga palakpak ng mga kasama ng sikat na manlalaro.

 

Ito ang naging sagot ni Reyes sa mga nagpapakalat ng kuwento na yumao na ito. Ang ilan sa mga ito ginamit pa ang layout ng ABS-CBN News article upang magmukhang kapani-paniwala ang impormasyon.

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.