Abogado ng KOJC inireklamo ang 'paghuhukay' ng mga pulis | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Abogado ng KOJC inireklamo ang 'paghuhukay' ng mga pulis

Abogado ng KOJC inireklamo ang 'paghuhukay' ng mga pulis

Dennis Datu,

ABS-CBN News

Clipboard

Sumiklab muli ang tensyon sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Compound sa Davao City matapos na tangkain ng legal counsel ng KOJC na si Atty. Israelito Torreon na pumasok sa basement ng  Jose Maria College Foundation upang ipakita sa mga kasamang media ang ginagawa umanong paghuhukay ng mga pulis para hanapin umano ang bunker kung saan pinaniniwalaang nagtatago si Pastor Apollo Quiboloy.

Ginawa ni Torreon ang pagsasama sa mga reporter matapos na hamunin ni BGen. Nicolas Torre III na payagan ang media na makapasok sa KOJC compound upang makita ang sitwasyon.

Pero sa unang pagtatangka pa lamang ni Torreon na makapasok sa basement ay sumalubong na ang mga pulis at humarang sa daraaan.

Humanap ng ibang daan si Atty. Torreon, pero sa ikalawa at ikatlong daan ay humarang ulit ang mga pulis at pinigilang makapasok.

ADVERTISEMENT

"Tinatanggap ko  ang challenge ni Gen. Torre na iprove kaya gusto natin na magkaroon tayo ng access dito, tingnan niyo ang ginagawa hindi kami papasukin, ang lalim na ng kanilang hinukay, 8 meters na, nakakasira na ng structural stability ng aming JMC building, hindi na ito tama ang dala nila arrest warrant lang," ani Torreon.

Sumubok din si Torreon na pumasok sa cathedral kung saan may ginagawa rin umanong paghuhukay ang mga pulis pero nakaharang din ang mga pulis.

Sabi ng abogado ng KOJC, ibinigay sa kanilang ng source nila ang mga larawan nang malalaking hukay na ginawa ng PNP.

Pero  hindi itinanggi o kinumpirma ni Gen. Torre ang paghuhukay.

““Ilabas niya yung nagbigay ng photo, pakita nila, alam nila ang batas para diyan, ilabas nila ang taong nagbigay kasi kaya ko gawin yan sa Adobe Photoshop.That’s the allegation of Atty. Torreon, let him prove it,” sabi ni Gen. Torre.

Labing-isang araw na ang lumipas simula nang isagawa ang raid, pero malaki pa rin ang kumpiyansa ni Torre na nasa bunker lamang ng KOJC compound si Quiboloy base sa ipinapakita ng kanilang special instrument.

“Andyan lang siya sa loob at paikot-ikot lang yan, ako hindi ko talaga ma-ignore yun  because the technology is proven and tested, ang problem na lang talaga naming yun paghahanap kasi gumagalaw, takot sa activity yung tao, takot sa activity yung ikinikilos niya, kapag may activity dito, lumilipat sa kabila," ani Torre.

“Hanggang ngayon naniniwala kami na andyan siya tinatawanan kami, sige lang there is always time everything darating at darating na mahuhuli natin 'yan just a matter of time,“ dagdag pa niya.

Posibleng tumagal pa ng isang buwan ang operasyon ng PNP SA KOJC Compound para mamaresto si Quiboloy na nahaharap sa kasong child abuse, sexual abuse at human trafficking sa  mga korte sa Davao City at Pasig City.

Wanted din sa Amerika si Quiboloy sa mga kasong sex trafficking of children, fraud and coercion, at bulk cash smuggling.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.