Magkasintahan dinukot, pinagbabaril ng mga nagpakilalang pulis; 1 patay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Magkasintahan dinukot, pinagbabaril ng mga nagpakilalang pulis; 1 patay

Magkasintahan dinukot, pinagbabaril ng mga nagpakilalang pulis; 1 patay

Jeff Caparas,

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 12, 2024 09:14 PM PHT

Clipboard

Patay ang isang lalaki habang sugatan ang kasama nitong babae matapos na pagbabarilin sa Sitio Malipa, Barangay Malaking Pulo, Tanauan City, Batangas nitong Martes, Setyembre 10.

Sa imbestigasyon ng Tanauan City Police Station (CPS), bago ang pamamaril, dinukot ng 5 armadong lalaki ang dalawang biktima sa Carmona City sa Cavite.

“Meron nagreport sa amin na traffic altercation… nakita niya na parang away girlfriend-boyfriend, umiiyak yung babae… Nagpaikot-ikot sila sa palengke ng Carmona then nakita rin sa mga CCTV iyon, dun sa part ng Water District nagkaroon ng harangan… napagtagpi namin na itong shooting incident sa Tanauan is connected dito sa Carmona,” sabi ni Police Lieutenant Colonel Jefferson Ison, hepe ng Carmona City Police.

“Nagbabaan po sila ng sasakyan tinutukan po kami ng baril, apat po silang bumaba… Pinosasan po agad nila yung asawa ko, mga pulis daw po sila, tapos pag posas po nila tinakluban po nila ng damit,” sabi ng biktima.

ADVERTISEMENT

Pagdating sa Batangas dito umano pinababa ang dalawa.  

“Pinababa sila sa sasakyan habang nakapiring sila, naglakad sila tapos without apparent reason binaril sila parehas sa ulo, at sa kabutihang palad naka-survive itong isang biktima yung babae… para hindi na uli siya ulitan ng baril, nagpanggap agad siyang patay,” sabi ni Police Lieutenant Colonel Virgilio Jopia, hepe ng Tanauan City Police.

May tama ng bala sa iba’t ibang parte katawan ang babaeng pero dead on the spot ang ka live-in niya dahil sa tama ng bala sa ulo.

Nadiskubre ang mga biktima matapos na magreport ang isang concerned citizen dahil sa narinig na mga putok ng baril sa lugar.

Sa backtracking at follow up operation ng mga pulis natukoy na rin ang isa sa mga suspek. Lumalabas na kilala ng mga biktima ang isa sa mga suspek.

Posibleng droga umano ang motibo sa krimen.

“During our investigation both suspects and victim are involved in illegal drugs, dahil may kinabibilangang grupo itong ating suspek na later on natin nalaman nung ating follow up operation and investigation sa Pasay City Police, kaya sa kanilang pakikipagtulungan ng kanilang intelligence operatives naidentify natin itong mga suspek na ito… at nalaman natin sa mga follow up operation at investigation na ito ay hindi mga pulis, ito ay miyembro ng gang o drug group dito sa Pasay,” dagdag ni Jopia.

Patuloy ang follow-up operation ng mga pulis para matunton ang SUV na ginamit sa pagdukot.

Patuloy din ang imbestigasyon ng para makilala ang iba pang mga suspek.

Nagpapagaling pa rin sa ospital ang nakaligtas na babaeng biktima na stable na ang kundisyon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.