Bata pinatay, tinakluban sa lababo ng mga gamit pangluto | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bata pinatay, tinakluban sa lababo ng mga gamit pangluto

Bata pinatay, tinakluban sa lababo ng mga gamit pangluto

Ronilo Dagos,

ABS-CBN News

Clipboard

 


MANILA – Brutal na pinatay ang isang 10-taong gulang na batang babae sa Atimonan, Quezon. 


Pangunahing suspek ang kanyang kapitbahay na lalaki dahil natagpuan ang bangkay ng bata sa loob ng inuupahang apartment ng lalaki.


Madaling-araw nitong Martes nang ireport ng mga kamag-anak ng biktima ang sinapit ng bata.

Ayon sa lola ng biktima, alas-5 ng hapon nitong Lunes nang ihatid pa niya sa gate ng kanyang bahay ang bata para umuwi sa kanilang tirahan.


Pero ayon naman sa ina ng bata, alas-7 na ng gabi ay hindi pa dumarating ang anak.


Matapos maireport sa himpilan ng pulis, agad nagsagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad at tiningnan ang mga kuha ng CCTV sa dinaanan ng bata.


Base sa kuha ng CCTV, huling nakita ito na dumaan sa tapat ng bahay ng suspek papasok sa lugar na kinaroroonan ng kanilang bahay at hindi na muling nakita ang bata pagkatapos noon.


Nang magsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad, pinuntahan nila ang apartment na inuupahan ng suspek at doon nakita sa kusina ang wala nang buhay bata na nasa ibabaw ng lababo at natatakpan ng mga kawali at kaldero.


Nakita rin sa tabi ng bangkay ang isang extension wire na hinihinalang ginamit sa pagsakal sa bata. 


Hindi natagpuan ang suspek na hinihinalang tumakas matapos ang krimen.


Isinailalim na sa pagsusuri ng SOCO ang labi ng bata upang malaman ang nangyari dito at kung ano ang ikinamatay nito.


Patuloy naman ang manhunt operation ng mga tauhan ng Atimonan police sa suspek.


Tumanggi muna ang mga awtoridad na magbigay ng karagdagang impormasyon sa krimen.




ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.