KOJC malayang nakapaggunita ng anibersaryo sa kabila ng operasyon laban kay Quiboloy | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KOJC malayang nakapaggunita ng anibersaryo sa kabila ng operasyon laban kay Quiboloy

Dennis Gasgonia,
ABS-CBN News
Published Sep 01, 2024 08:26 PM PHT
|
Updated Sep 01, 2024 09:36 PM PHT

MAYNILA -- Tuloy pa rin ang isinasagawang operasyon ng Philippine National Police na pagtugis sa nagtatagong pastor na si Apollo Quiboloy sa kabila ng paggunita ng ika-39 anibersaryo ng Kingdom of Jesus Christ sa kanilang compound sa Davao City.

Ayon sa tagapagsalita ng Davao Police Region Police Office 11, malaya namang naisasagawa ng mga miyembro ng KOJC ang selebrasyon ng kanilang anibersaryo habang sinusubukan pa ring maihain ng mga pulis ang arrest warrant laban kay Quiboloy.
"'Yan ang pagpapatunay na hindi pinipigilan ng mga pulis ang nasa loob ng KOJC compound ang kanilang mga activities. 'Yung mga daily activity nila, daily worship malaya po silang nakakagawa noon," ani Police Maj. Catherine dela Rey, spokesperson ng Davao Police Region Police Office 11 sa panayam sa Teleradyo Serbisyo.

Taliwas daw ito sa akusasyon na ginigipit umano ng mga pulis ang mga KOJC members.

"Since Day 1 (ng operasyon) malaya, silang nakakagawa ng activities nila, wala kaming pinipigilan doon, basta hindi nila pigilan nila ang aming ginagawang operation," sabi niya.

Dagdag pa niya, ang KOCJ panga raw ang may kontrol ng pagpasok ng mga tao sa compound kung saan nagdadaan pa sa scanner ang mga dumalaw sa loob kasama na ang pulis.

"Ayaw naman din naming magkasakitan kasi ng ang pakay namin doon is to peacefully to serve the warrant of arrest kay Pastor Quiboloy," ani dela Rey.

"Dito makikita ang after lang namin si Quiboloy hindi yung church ng KOJC, hindi ang property ng KOJC at hindi sa members ng KOJC."

Nang tanungin naman tungkol sa umanoy paghuhukay sa hinihinalang underground area na pinagtataguan ni Quiboloy ay hindi naman makapagbigay ng detalye ang tagapagsalita.

"Sa ngayon hindi ako makapagbigay ng details sa practical aspect ng operations kasi hindi din ako privy sa information," sabi ni dela Rey.

Tungkol naman sa ikinakalat ng wanted posters laban sa fugitive pastor, sinabi ni dela Rey ay nagpapakalat lang daw sila ng impormasyon sa mga tao sa Davao City.

"May mga posting na talaga ng wanted posters sa paghahanap naming kay Quiboloy para malaman ng mga mamayan na wanted po with reqard po kung sinong makapagsabi... dahil nanghihingi kami ng tulong sa mga mamamayan na sana makapagbigay ng impormasyon sa amin," aniya.

KAUGNAY NA ULAT:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT