6 Chinese POGO workers, arestado sa Angeles City | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

6 Chinese POGO workers, arestado sa Angeles City

6 Chinese POGO workers, arestado sa Angeles City

Zyann Ambrosio,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Sinalakay ng National Bureau of Investigation Cybercrime Division ang isang villa sa Angeles City, Pampanga kung saan naaresto ang mga umano'y miyembro ng isang grupo ng POGO workers na sangkot sa mga scam.

Ayon sa NBI, ito umano ang grupo ng mga Chinese na kasama sa money laundering at finance department ng POGO hub. Naghiwa-hiwalay umano ang mga ito at gumawa ng maliliit na grupo para hindi mahalatang patuloy pa rin ang kanilang operasyon.

“They are operating within a high end location. Medyo complex in the sense na alam nila na private yung lugar kaya mahihirapan ang law enforcement. They are engage in catfishing, romance scam, investment fraud, crypto scam we were able to identify scripts sa mga device nila," ayon kay Atty. Jeremy Lotoc ng NBI.

Noong nakaraang Biyernes, sinalakay ng NBI ang isang bahay sa loob ng subdivision sa Kawit, Cavite na ginawang "mini scam hub". Ito naman ang umano'y "operations department" ng grupo.

ADVERTISEMENT

"Yung several days ago nakita natin yung operations department prior to that yung administration department ito naman ang na-establish natin finance and money laundering department massive fraudulent activity ang victims dito both locals and international they are hiding sa mga high-end locations,” ayon kay Lotoc.

Sa tulong ng isang Chinese translator, itinanggi ng mga suspek ang mga akusasyon laban sa kanila, kabilang na ang pagkaka-sangkot sa mga scam at illegal na gawain.

Kinasuhan ng paglabag sa Cybercrime Prevention Act at Economic Sabotage ang anim na suspek na Chinese.

Patuloy pa ang follow up ng NBI Cybercrime Division sa mga splinter groups ng POGO.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.