State of calamity, idineklara sa Pinamalayan, Oriental Mindoro | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

State of calamity, idineklara sa Pinamalayan, Oriental Mindoro

State of calamity, idineklara sa Pinamalayan, Oriental Mindoro

Dennis Datu,

ABS-CBN News

Clipboard

Inaprubahan na ng Sangguniang Bayan ang hiling ni Mayor Aristeo Baldos Jr., na isailalim sa state of calamity ang bayan ng Pinamalayan sa Oriental Mindoro dahil sa matinding pinsala ng baha na dulot ng low pressure area at habagat.

Ayon kay Baldos, nasa 25 barangay sa kanilang bayan ang nalubog sa baha at nasa 11,978 pamilya o 42,306 na indibidwal ang apektado.

Dagdag niya, hindi nila inaasahan ang mabilis na pagtaasng baha.

“Kami talaga ay nabigla, talagang ito ay parang nagdaang bagyo na sa amin, first time na nangyari na LPA na ganito ang naranasan namin, buong bayan ang binaha tlagang hindi na kinaya ng mga gutters naming, Ito ay hindi ordinaryong LPA,talagang heavy rains yung dinanas ng Pinamalayan” sabi ni Baldos.

ADVERTISEMENT

Pinaka-apektado ay ang mga palayan na bago pa lamang naitatanim.

Sa tala ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) nasa P9.5 million ang pinsala sa agrikultura.At dahil walang kabuhayan, tulong ang panawagan ng alkalde.

“Kailangan ho na namin yung sa relief namin tapos yung sa agriculture namin siguro manghihingi ulit kami ng binhi  dahil Nawala yung aming palayan, abono susulat na po kami  sa Department of agriculture,” dagdag ni Baldos.

Sa bayan ng Pola, sinabi ni Mayor Jennifer Cruz na hihilingin na rin niya sa Sangguniang Bayan na magdeklara ng state of calamity matapos na malubog sa baha ang 13 barangay at magkaroon ng landslide.

Nagsimula nang mamahagi ng  paunang ayuda na tig-4 na kilong bigas ang lokal na pamahalaan para sa mga apektadong pamilya.

Si Nanay Diña, kinailangang lumusong pa sa baha para makarating sa kalsada kung saan namamahagi ng relief goods.

“Wala nga po hanapbuhay tapos garine pa matagal-tagal na rin po are sa amin kapag may kalahating gatang kami ay pinagkasya namin,“ sabi ni Diña Onofre, residente ng Barangay Maluanluan.

Lubog pa rin sa baha ang maraming bahay.

Hanggang dibdib pa ang pinakamalalim na baha kaya marami ang nagbabangka para makalaban ng kanilang lugar.

Ekta-ektaryang palayan din ang posibleng hindi na mapakinabangan dahil natabunan na ng putik habang lubog pa rin sa baha ang marami.

Inutang pa ni Nanay Sixta ang kaniyang puhunan sa pagtatanim sa dalawang ektaryang palayan pero hindi na siya umaasa na may papakinabangan pa.

“Eh di uulitin na lang kaya lang mahirap sa isang magsasaka nawawashed out lalo na kung utang, kung uutang uli doble-doble ang utang para lang makabawi,” sabi ng magsasaka na si Sixta Soriano.

Sabi ni Cruz, sa lakas ng ulan ay umapaw ang Pula river at Casiligan river.

“Kailangan natin manawagan sa national government yung drainage system ayusin natin. And yung paglagay ng mga protection dike sa mga ilog kailangan natin ayusin talaga,” dagdag niya.

Sa latest report ng Oriental Mindoro ProvinciaL Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), 68 barangay mula sa 10 bayan ang nakaranas ng pagbaha.

Ito ang mga bayan ng Bongabong, Bansud, Pinamalayan, Pola, Socorro, Victoria, Naujan, Baco, San Teodoro at Puerto Galera.

Nasa 10,061 pamilya o 36,277 indibidwal na ang apektado ng baha sa Oriental Mindoro, habang 957 pamilya o 3,137 indibidwal ang nasa evacuation centers.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.