Airport cleaner, isinauli ang naiwang bag ng pasahero na may lamang P50,000 | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Airport cleaner, isinauli ang naiwang bag ng pasahero na may lamang P50,000

Airport cleaner, isinauli ang naiwang bag ng pasahero na may lamang P50,000

Hernel Tocmo,

ABS-CBN News

Clipboard

CAAP Area 10CAAP Area 10

Hinangaan ng Civil Aviation Authority of the Philippines ang katapatan ng isa sa kanilang tauhan nag nagsauli ng nakitang bag na may lamang malaking halaga ng pera sa isang paliparan.

Habang naglilinis, nakita ni Joshua Bustamante, na isang airport facility cleaner, ang isang bag na naiwan sa push cart sa Laguindingan Airport sa Misamis Oriental noong Lunes ng umaga.

Agad nitong nagbigay-alam sa airport management para matunton ang may-ari ng bag.

Isa't kalahitang oras ang nakalipas, naibalik sa pasahero ang bag na may lamang P50,000 at iba pang personal na gamit.

ADVERTISEMENT

Galing Maynila at papuntang Lanao ang pasahero na lubos na nagpapasalamat sa katapatan ni Bustamante.

Ayon kay Area Center 10 Manager Engr. Job De Jesus, sana ay magsilbing inspirasyon ang mabuting gawa ni Bustamante sa iba pang mga tauhan ng paliparan.

"His actions exemplify the highest standards of honesty and service we uphold. Mr. Bustamante’s dedication and values inspire all airport employees, reminding us of the goodness and integrity present in our busy environment. We laud him for his honesty and swift action,” ani De Jesus.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.