Kadete ng maritime school, patay sa ‘parusa’ ng senior class officer | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kadete ng maritime school, patay sa ‘parusa’ ng senior class officer

Published Jul 10, 2024 10:04 AM PHT
|
Updated Jul 10, 2024 08:28 PM PHT

CALAMBA CITY, Laguna -- Dead on arrival sa ospital ang isang kadete ng isang maritime academy matapos umanong pag-ehersisyuhin ng kanyang upperclass nitong Lunes, Hulyo 8.

Kinilala ng Calamba City Police ang biktima na si Vince Andrew Anihon Delos Reyes, 19 anyos at second year student ng maritime academy.

Sa imbestigasyon, maga-alas singko ng hapon, nagkasama pang kumain ang biktima at ang suspek at iba pang mga kadete. Matapos nito nagpunta na umano na sila sa kanilang barracks.

Pero pina-report umano ng suspek ang biktima sa kanyang barracks dahil sa hindi nito nagustuhan ang sagot nito sa kanilang group chat, ayon kay Police Lieutenant Colonel Titoy Jay Cuden, hepe Calamba City Police.

"Apparently hindi nagustuhan nung senior class o nung 3rd year cadet yung 'thumbs up’ na parang sagot nung 2nd year cadet dun sa group," sabi ni Cuden.

Bilang parusa, pinag-ehersisyo ng suspek ang biktima.

"According dun sa investigation, si victim was ordered to perform series of exercises, so yung una is squat thrust for 100 repetitions, then 'yung pumping another hundred repetitions, then 'yung last kung saan siya nag collapsed is yung star jump. Supposedly 100 repetitions din accordingly… Aa counting nila on the 58th repetition ng star jump dun na siya nag collapse, humawak sa bed at dinala sa dispensary nila," sabi ni Cuden.

Sinampahan ng reklamong reckless imprudence resulting in homicide ang suspek.

"Wala namang sinasabi 'yung witnesses na may body contact, then so purely exercises lang daw ang pina-perform… Sa tingin namin 'di naman na-haze 'yung bata, but titingnan natin pa rin yung report ng medico legal o the result of autopsy," sabi ni Cuden.

"Nakita natin sa investigation na di intention ng suspek na patayin yung victim, malinaw na pinagawa is consequence lang nung ginawa nung victim, which is common naman sa mga uniformed training in camps, just like may napansin sa iyo you were ordered to perform series of exercise," dagdag niya.

Hindi naman kumbisido si Anna Delos Santos, ina ng biktima, na ehersisyo ang ikinamatay ng panganay sa dalawang anak. Wala rin umanong sakit karamdaman ang anak.

"Wala po sir [sakit yan] kasi bago sila pumasok yan diyan, napakasinsin, napaka-selan ng medical ganito so before sila pumasok nagpa medical yan," sabi ni Delos Santos.

"Hindi ako maniwala kung exercise lang… exercise? Ikamamatay. Kung nakita niyo itsura ng anak ko sa video ko sa picture ko. Kung exercise lang? Saan ang sinabing iingatan, huwag magalala mga magulang at mga anak ninyo dito iingatan," dagdag niya.

Pinag-aaralan pa umano ng pamilya ang mga legal na hakbang.
Pinag-aaralan pa umano ng pamilya ang mga legal na hakbang.
ADVERTISEMENT
"Pero hindi ko hahayaan ganito na lang sinapit ng anak ko, hindi ko hahayaan na ganito ang sinapit ng anak ko, dahil pumasok siya doon para sa kanyang kinabukasan and then ang sabi ng school nung kami nag briefing, magandang kinabukasan para sa marinong Pilipino," sabi ni Delos Santos.

Tumanggi namang magbigay ng anumang pahayag ang suspek.

Inaantabayanan ng ABS CBN News ang pahayag ng maritime academy hinggil sa insidente.

Naiuwi na sa Oriental Mindoro ang labi ng biktima.

IBA PANG ULAT:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT