Replica ng balangay boat sinunog sa Palawan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Replica ng balangay boat sinunog sa Palawan

SAN VICENTE, Palawan – Bilang parte ng tradisyon, sinunog nitong Sabado ng hapon ang mga hindi na magamit ng parte ng kauna-unahang motorized na balangay replica ng bansa na pinangalanang “Sama Tawi-Tawi.”

Sabi ni dating Transportation and Environment undersecretary Arturo Valdez, hindi na maisasalba at nabulok na ang maraming parte ng naturang balangay na naiwan sa bayan ng San Vicente dahil sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Paraan din umano ito ng pagpapakita ng pagpapahalaga at pamamaalam sa balangay.

Pagsunog sa parte ng isa sa mga pinakauna at pinakaluma na motorized na balangay sa Pilipinas na si ‘Sama Tawi-Tawi,’ Hunyo 8, 2024 sa Palawan. Job Manahan, ABS-CBN News

“It is to give respect to Sama Tawi-Tawi by burning the wood. There will be ceremonial rites, burning rites that would let go to the services of the spirit of the boat,” sabi ni Valdez sa isang panayam.

“May mga portion naman na binigay namin, yung mga ribs na matibay pa, binigay namin, but ang mga big chunk of that na nabubulok, we are gonna burn it,” dagdag niya.

Matatandaan na isa ang Sama Tawi-Tawi sa 3 balangay na lumayag pa-China noong 2018 para ipakita ang matagal nang koneksyon ng Maynila at Beijing. Si Valdez ang expedition leader noon.

Pinangunahan ang taimtim na ritwal ng isang representative ng Sama tribe mula Tawi-Tawi. Emosyonal naman ang ilang crew ng balangay na ginawa noon pang 2009.

Isa na roon si Jeffrey Zaragosa, ang engineer ng balangay, at ang crew member na si Minda Ponce-Rodriguez.

“Masakit sa akin ito kasi ako ang nag-umpisa ng Sama. Lahat ng sakripisyo andiyan. Maraming salamat, ginabayan mo kami. Lahat ng tradisyon ibalik mo – ng totoong paglalayag,” sabi ni Zaragosa sa kanyang mensahe tungkol sa balangay.

“Sleepless nights on board Sama and I remember amongst the many boats that we had for many voyages, Sama had that spirit… ang spirito ni Sama ay lilipat sa lahat ng espiritu ng lahat ng balangay na nilayag natin papunta sa maraming lugar. So paalam, matagal ka naming binantayan dito sa San Vicente,” sabi ni Ponce-Rodriguez.

Ang balangay ay isang uri ng bangka na nahukay sa Butuan City noong 1970’s.

Ang ritwal ay kasunod ng matagumpay na paglayag ng Balangay Florentino Das mula Butuan City hanggang sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea matapos ang halos dalawang linggo – kung saan eksklusibong nakasama ang ABS-CBN News.

Dadaan naman at dadaong ang Florentino Das – ang pinakamalaki at pinakamodernong balangay na nagawa sa Pilipinas – sa docking area ng CCP Complex ngayong Martes, Hunyo 11.

KAUGNAY NA ULAT:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT