Bangka lumubog, libu-libo stranded sa pantalan dahil sa sama ng panahon | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bangka lumubog, libu-libo stranded sa pantalan dahil sa sama ng panahon

ABS-CBN News
Published May 25, 2024 03:03 PM PHT

Courtesy: Coast Guard Station Pio Duran

MASBATE — Na-rescue ang 35 kataong lulan ng isang bangka mula Claveria, Masbate patungong Masbate City na lumubog noong Biyernes.
Sa kabila ng banta ng Bagyong Aghon, bandang alas 7:30 ng umaga umano umalis ang bangka sa Claveria Port.
Lumubog ang bangka dahil sa biglaang paglakas ng hangin at alon.
Ang nasabing bangka ay malapit sa Aroroy, Masbate kaya naman agad na-aksyunan ang nasabing insidente ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng nasabing bayan.
Ligtas naman umano ang lahat ng pasahero pati na ang mga tripulanteng sakay ng bangka at nabigyan na rin ng paunang assistance tulad ng pagkain at iba pang non-food items.
MGA PASAHERO STRANDED SA MGA PANTALAN
Samanatala, maraming mga pasahero at sasakyan ang stranded sa tatlong pantalan ng Allen, Northern Samar ngayong Sabado dahil sa masamang panahon.

Ayon sa impormasyon mula sa Coast Guard Northern Samar, aabot sa 2,095 na mga pasahero, 370 na rolling cargo at anim na sasakyang pandagat ang hindi pinayagan na makatawid papuntang Matnog sa Sorsogon.

Dahil sa dami ng mga stranded na pasahero, sa mga upuan at sahig na lang muna natulog at naghintay ang mga ito.

Sa labas ng tatlong pantalan makikita rin ang mahabang pila ng mga sasakyan.

ADVERTISEMENT
Kahapon ng tanghali nagsimulang hindi pinayagan ng Philippine Coast Guard ang pagbiyahe ng mga barko dahil na rin sa posibleng epekto ng Bagyo Aghon.

Stranded din ang ilang mga pasahero sa Ormoc City na tatawid sana papuntang Cebu.

Kahapon pa suspendido ang mga biyahe ng mga barko sa Ormoc City.

Umaasa ang iba sa mga pasahero na gumanda na ang panahon mamayang gabi para bawiin na ang suspensyon ng byahe.

Pero ang iba, ayaw nang makipagsapalaran.

Kung kaya ngayong umaga, siksikan ang mga pasahero na nagpa-rebook ng kanilang byahe sa ibang araw, kung kailan malayo na ang kahit anong banta ng bagyo.

May ilan naman na kumuha na ng ticket ng barko o fast craft para bukas. — mula sa mga ulat nina Aireen Perol, Ranulfo Docdocan at Sharon Evite, ABS-CBN News