Teenager na galing computer shop, patay sa pamamaril sa Cebu | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Teenager na galing computer shop, patay sa pamamaril sa Cebu

Teenager na galing computer shop, patay sa pamamaril sa Cebu

 | 

Updated May 02, 2024 12:48 PM PHT

Clipboard

Pauwi na sana mula sa computer shop ang isang teenager nang mapaslang ito sa pamamaril sa Cebu City. Benjie Talisic, xFm Cebu Pauwi na sana mula sa computer shop ang isang teenager nang mapaslang ito sa pamamaril sa Cebu City. Benjie Talisic, xFm Cebu 


Iniimbestigahan ng pulisya ang pamamaril na ikinamatay ng isang 17-anyos na pauwi na sana mula sa paglalaro sa isang computer shop sa Barangay Sambag 1, Cebu City nitong Miyerkules.

Sakay ng e-bike ang biktima nang pagbabarilin siya sa ulo ng 3 hindi nakilalang suspek na nakamotorsiklo.  

Agad na tumakas ang mga suspek, habang nasugatan naman ang kasama ng biktima.

Personal na alitan ang tinitingnang motibo sa krimen.

ADVERTISEMENT

Bago ang pamamaril, may nakaalitan umano ang biktima dahil sa masamang pagtitig.

Iniimbestigahan din ng pulisya kung may kinalaman sa droga at iba pang anggulo ang krimen.  

Nangangalap ng CCTV footage ang mga imbestigador para matunton ang mga gunman.  




 



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.