Bagyong Marce nagdulot ng matinding pinsala sa paaralan sa Cagayan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bagyong Marce nagdulot ng matinding pinsala sa paaralan sa Cagayan

Bagyong Marce nagdulot ng matinding pinsala sa paaralan sa Cagayan

Bayan Mo,

Ipatrol Mo

 | 

Updated Nov 09, 2024 02:13 AM PHT

Clipboard

 COURTESY: Caraoan, Elementary School


Malubha ang pinsalang natamo ng Caroan Elementary School sa Gonzaga, Cagayan dulot malakas na ulan at hangin na dala ng Bagyong Marce. 

Ayon kay Bayan Patroller Roselyn Campano, isang guro sa Caroan Elementary School, nabasa ang mga TV monitor at iba pang kagamitan sa computer, at natuklap din ang bubong ng dalawang classroom. 

“Baha pa rin po, ma'am. Naghahanap po kami ng mga volunteers at donors para sa mas mabilis na pag-aayos, lalo na po yung dalawang room na natuklap ang bubong. Lalo na yung isang room, dahil iyon po ang classroom ng kinder. Ang isa naman po ay admin office,” kwento ni Bayan Patroller Roselyn Campano.

Idinagdag pa ni Bayan Patroller Roselyn na ito na ang pangalawang beses na binaha ang paaralan. Ang una ay dulot ng Bagyong Leon.

ADVERTISEMENT

“Nakapag-linis na kami at tinanggal ang lahat ng nabasa, at nakapag-klase na kami noong Lunes, pero ngayon po, ito na naman ang nangyari,” ani Bayan Patroller Roselyn.

Ayon pa kay Bayan Patroller Roselyn, ang baha ay dulot ng storm surge dahil malapit lang ang paaralan sa dagat. Nahihirapan din silang alisin ang tubig baha dahil kagagaling lamang nila sa pagbaha noong nakaraang linggo. 

“Naipon sa school compound namin ang tubig-dagat. Matagal mag-subside kasi galing lang din kami sa baha noong nakaraang linggo. Hindi pa nga po namin naaayos at nalilinis lahat, tapos eto na naman ang nangyari,” dagdag ni Bayan Patroller Roselyn.

 Paliwanag ni Bayan Patroller Roselyn, nahirapan din silang makakuha ng tulong mula sa mga magulang ng mga estudyante dahil sila mismo ay apektado ng pagbaha at ang ilan ay kagagaling lang sa evacuation center. - Ma. Kyle Giechelle C. Balleras, BMPM

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.