Sirang mga puno, bahay at bangka, iniwang bakas ni 'Pepito' sa Calaguas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sirang mga puno, bahay at bangka, iniwang bakas ni 'Pepito' sa Calaguas

Sirang mga puno, bahay at bangka, iniwang bakas ni 'Pepito' sa Calaguas

BMPM Intern,

Elaiza Marie Castro

Clipboard

MAYNILA -- Walang itinira kundi mga sirang puno, wasak na mga bahay at bangka si super typhoon Pepito nang hagupitin nito ang Bgy. Banocboc, Calaguas Island Linggo alas-dos ng madaling araw, Nobyembre 17, 2024.

Ayon kay Bayan Patroller Jomar Perillo, hindi pa sila nakakaahon sa nakaraang bagyong Enteng noong Setyembre 2024 ay winasak na muli ni super typhoon Pepito ang kanilang isla.

Sa mga larawan at video na ibinahagi ni Patroller ay makikita ang nagkalat na mga sanga at nabuwal na mga puno sa paligid. Wasak rin at halos walang natirang nakatayo sa mga bahay at bangka na pangkabuhayan.

Sa abiso ng kanilang barangay ay lumikas ang pamilya ni Bayan Patroller Jomar kahapon, Nov. 16 dahil nasa tabing dagat lang ang kanilang mga tirahan. 

ADVERTISEMENT

Nitong umaga lang sila bumalik sa kanilang lugar at labis ang kanilang pagkalugmok sa  naabutan.    

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.