Magdamag na pag-ulan naranasan sa Pangasinan dahil sa bagyong Pepito | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Magdamag na pag-ulan naranasan sa Pangasinan dahil sa bagyong Pepito

Terry Aquino
Published Nov 18, 2024 07:20 AM PHT

Nakaranas ng magdamag na malalakas na pag-ulan ang lalawigan ng Pangasinan bunsod ng Bagyong Pepito, Linggo.

Mula alas-4 ng hapon, naramdaman din ang malalakas na bugso ng hangin na nagpabagsak ng ilang puno sa mga kalsada sa bayan ng Manaoag.

Larawan mula sa Pangasinan Information and Media Relations Office

Nasa 80 pamilya ang lumikas at pansamantalang tumuloy sa evacuation center sa bayan ng Binmaley, habang umabot 178 na displaced families rin ang lumikas bago pa ang pananalasa ng bagyo sa bayan ng Bani kung saan nakita ang panganib dahil sa storm surge.

Ihinanda rin ang Narciso Ramos Sports and Civic Center para sa mga evacuee.
Ihinanda rin ang Narciso Ramos Sports and Civic Center para sa mga evacuee.
Larawan mula sa Pangasinan Information and Media Relations Office

Binuksan naman ang dalawang gate ng San Roque Dam at nagpapakawala ng tubig na umaabot sa 764.99 cubic meter per second ang outflow.

Isinara sa mga motorista ang Villa Verde Road paakyat ng Barangat Malico, San Nicolas na nagdurugtong sa bayan ng Santa Fe, Nueva Vizcaya dahil sa posibleng mga pagguho ng lupa.

Patuloy na binabantayan ng disaster office ang mga baybayin dahil sa storm surge na tinatayang may taas na higit sa 3 metro na maaaring makaapekto sa mga baybayin ng mga coasta town ng, Anda, Binaley, Bolinao, Alaminos City, Dagupan City, Labrador, Lingayen, San Fabian at Sual.

Samantalang nasa 2.1 hanggang 3 metro ang banta ng storm surge sa mga baybayin ng Agno, Bani, Burgos, Dasol at Infanta.

Sinuspinde ang mga klase sa mga paaralan sa probinsya ngayong Lunes dahil inaasahan pa rin ang posibleng pag-ulan dulot ng bagyo.

Tinitiyak naman ni Governor Ramon V Guico III na nakahanda ang lalawigan at may sapat na relief goods para sa mga higit na naapektuhang pamilya, partikular ang mga lumikas at nasa mga evacuation center.

Read More:
Pangasinan
dam
ABSNews
ANC promo
weather
weather today
weather news
weather latest
weather updates
weather Philippines
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT