Mga Taclobanon, namili ng suplay bago maramdaman ang bagyong Pepito | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga Taclobanon, namili ng suplay bago maramdaman ang bagyong Pepito

Mga Taclobanon, namili ng suplay bago maramdaman ang bagyong Pepito

Sharon Evite,

ABS-CBN News

Clipboard

Sa gitna ng papalapit na bagyong Pepito, dumagsa ang ilang Taclobanon sa mga pamilihan upang maghanda.

Para sa marami, mahalagang aral ang iniwan ng mga nagdaang bagyo—dapat laging handa bago pa man tumama ang kalamidad.

Sa isang grocery store sa Tacloban City, makikita ang mahabang pila ng mga mamimili. Karamihan sa kanila, pangunahing bilihin tulad ng bigas, delata at tinapay ang laman ng kanilang mga basket.

Ayon sa ilang residente, hindi na nila nais pang maulit ang hirap na naranasan noong mga nakaraang bagyo tulad ng Yolanda.

ADVERTISEMENT

Bagama’t patuloy ang babala ng PAGASA na maghanda, nananatili pa ring kalmado ang marami sa Tacloban dahil sa maagang hakbang na kanilang ginagawa. 

Para sa mga Taclobanon, mas mabuti na ang maagang paghahanda kaysa magsisi sa huli.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.