Evacuation isinagawa sa Can-avid, Eastern Samar dahil sa bagyong Pepito | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Evacuation isinagawa sa Can-avid, Eastern Samar dahil sa bagyong Pepito

Evacuation isinagawa sa Can-avid, Eastern Samar dahil sa bagyong Pepito

Sharon Evite,

ABS-CBN News

Clipboard

Sa Can-avid, Eastern Samar, patuloy ang forced evacuation na isinagawa ng lokal na pamahalaan sa mga coastal barangay. 

Lalo itong ipinatupad sa mga bahay na malapit sa dagat bilang paghahanda sa paparating na bagyong Pepito. 

Kasalukuyang nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ang probinsya.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), layunin nitong tiyakin ang kaligtasan ng mga residente mula sa posibleng banta ng storm surge at malalakas na hangin.

ADVERTISEMENT

Nitong Biyernes ng gabi, nasa 219 pamilya o 1,010 indibidwal mula sa mga barangay sa poblacion at carlines ang pansamantalang nananatili sa evacuation centers sa Old Plaza at Barangay 3. 

Upang mabawasan ang kanilang discomfort, naglagay ang mga awtoridad ng modular tents at folding beds sa mga evacuation center.

Bukod dito, abala rin ang mga tauhan ng LGU, MENRO, at MDRRMO sa pagtanggal ng mga delikadong sanga ng puno sa mga highway.

Patuloy na hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang mga residente na makipagtulungan at sundin ang mga paalala ng mga awtoridad. 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.