Dahil sa bagyo: Paninda sa Albay at Camarines Sur, nagkaubusan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dahil sa bagyo: Paninda sa Albay at Camarines Sur, nagkaubusan

Dahil sa bagyo: Paninda sa Albay at Camarines Sur, nagkaubusan

Bayan Mo,

Ipatrol Mo,

Renz Nicole Torres

Clipboard

Halos wala nang laman ang mga istante sa supermarket na pinuntahan ni Bayan Patroller Andrei Pimentel ng Nabua, Camarines Sur. BMPMHalos wala nang laman ang mga istante sa supermarket na pinuntahan ni Bayan Patroller Andrei Pimentel ng Nabua, Camarines Sur. BMPM 

Halos nagkaubusan ng mga paninda sa LCC Supermarket Ligao City, Albay at Nabua, Camarines Sur nitong Biyernes dahil madaming residente ang namili ng pagkain at iba pang supplies bilang paghahanda sa paparating na bagyong Pepito. 

Ayon kay Bayan Patroller Princess Apple Bresenio, mamimili sana sila ng kanyang asawa sa nasabing grocery pero wala na silang inabutang mga paninda. Kita sa video na ibinahagi ni Patroller ang haba ng pila sa loob ng supermarket.

 Ganito rin ang naranasan ni Bayan Patroller Andrei Pimentel sa LCC Supermarket Nabua, Camarines Sur. 

Ibinahagi niya ang mga larawan ng mga istante ng supermarket na halos wala ng lamang paninda kaya nagpasya siyang sa ibang araw na lang mamili.

ADVERTISEMENT

Dagdag ni Bayan Patroller Andrei, ayaw na nilang matulad ang nangyari sa kanila noong bagyong Kristine na halos wala silang nakain dahil hindi sila nakapaghanda. 

Sa opisyal na pahayag ng Department of Trade and Industry Albay Provincial Office noong Huwebes, Nov. 14 ay sinigurado naman nilang sapat ang suplay ng basic necessities at stable din ang presyo ng mga bilihin sa gitna ng paghahanda sa bagyong Pepito.

 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.