33 barangay sa Tuguegarao City, lubog sa baha | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
33 barangay sa Tuguegarao City, lubog sa baha

PJ Cabanos,
ABS-CBN News
Published Oct 25, 2024 11:08 PM PHT

Apektado ng matinding pagbaha ang 33 barangay sa Tuguegarao City dahil sa pagbuhos ng ulan dala ng severe tropical storm Kristine.

Ang baha sa karamihan sa mga apaktadong barangay ay lagpas-tao na pero ang ilang mga lugar hanggang tuhod pa lang.

May isang barangay captain pang nanghihimok sa kanyang mga nasasakupan na lumipat na sa mga evacuation center.

"Tinatawagan ko po lahat ng household jan, yung pwedeng mag evacuate, nakaready po ang ating elementary school para sa inyo, nandun na po ang ibang families natin," ani barangay chairperson Gina Tumaliuan ng Atulayan, Tuguegarao City.

"Ayaw nilang iwanan yung mga hayop nila, like yung baboy, mga aso nila."

Sa record ng LGU Tuguegarao, umabot sa 945 pamilya ang apektado at kasalakuyang nakatira sa mga evacuation centers.

Ang ilang residente naman, ayaw pa ring magpunta sa mga evacuation centers dahil nakasanayan na daw nilang pumuwesto sa gilid ng daan.

"Mas sanay kasi kami dito, siempre hindi rin naming maiwanan yung ibang gamit saka siksik din kasi," ayon sa isa.

Ayon naman sa alkalde ng siyudad, ganito umano ang nararanasan ng Tuguegarao City sa tuwing malakas ang ulan sa mga karatig probinsya. Dahil nga sa daloy ng tubig, pakiusap nya ang agarang paglipat sa mga evacuation centers.

"We are the catch basin ng Region 2, meaning lahat ng tubig na nangggaling sa bundok, lahat ng tubig na nanggaling sa upstream ditto po bumabagsak sa Tuguegarao City kaya napansin niyo kahit walang ulan, diretso ang pagtaas ng tubig, there are two rivers surrounding Tuguegarao," sabi ni Maila Rosario Ting Que, mayor ng Tuguegarao City.

Ayon naman sa report ng School Division office ng Cagayan, umabot na sa 21 paaralan ang nasalanta ng baha.

Lubog din sa tubig-baha ang ilang barangay ng bayan ng Enrile, partikular na ang Barangay Villa Maria at Lanna.

Ang water level naman ng Buntun Bridge ay mabagal ang pagbaba, mula 11. 2 meters, 11.1 meters na ito sa kasalukuyan.