Bagyong Kristine nagdulot ng pagbaha sa mga bahagi ng Bicol, Northern Samar | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bagyong Kristine nagdulot ng pagbaha sa mga bahagi ng Bicol, Northern Samar

Ronilo Dagos,
Nicole Frilles,
Sharon Evite,
Rey Boton
Published Oct 22, 2024 11:42 AM PHT

Hanggang bewang na ang baha sa Barangay Pagsang-an, San Roque, Northern Samar, dulot ng Bagyong Kristine. Photo: Barangay Chairperson Irene Temporal

CAMARINES SUR — Limang barangay sa bayan ng Ragay sa Camarines Sur ang isolated nitong Martes dahil sa pag-apaw na naman ng spillway na siyang tanging daanan patungo sa lugar.

Nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ang rehiyon ng Bicol.
Apektado ng pagbaha and Mansalaya, Sta. Rita 1, Sta. Rita 2, Tabion at Bagong Silang.

Ayon sa mga residente, mula pa Lunes ng gabi ay binayo na ng malakas na pag-ulan ang lugar kaya tumaas ang tubig sa ilog kaning umaga.

Halos walang makalabas sa lugar dahil ang mga bangka na dating nagtatawid kapag umaapaw ang spillway ay hindi makabiyahe dahil sa panganib ng lakas ng agos.

ADVERTISEMENT
Apektado ang mga papasok at papauwi galing sa trabaho na ngayon ay stranded na sa magkabilang dulo ng ilog na halos nasa 80 metro din ang lawak.

Matagal nang problema ng mga residente ng limang barangay ang pag-apaw ng spillway sa tuwing lumalakas ang ulan. Matagal na rin nilang hinihiling sa lokal na pamahalaan na gawing mas mataas ang spillway at ng hindi maabot ng pag apaw ng tubig.

BAHA AT LANDSLIDE SA CATANDUANES
Samantala, ilang lugar na sa lalawigan ng Catanduanes ang lubog sa baha dahil sa nararanasang malakas na pag-ulan dala ng Bagyong Kristine.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ng Catanduanes, dahil umano ito sa mga nag-overflow na mga ilog at mga tributary na malapit ang mga lugar na ito.

Sa Barangay Divino Rostro at Batong Paloway sa San Andres ay may bahagyang pagtaas na ng tubig at hindi na rin madaanan ang lugar papuntang Pananaogan sa bayan ng Bato dahil sa landslide.

Inilikas na rin noong Lunes ng gabi ang walong pamilya sa Barangay Hitoma sa Caramoran dahil na rin sa pagtaas ng tubig sa lugar.

Nasa 700 naman ang bilang ng mga stranded na pasahero sa San Andres Port na sa ngayon ay binibigyan ng pagkain ng lokal na pamahalaan ng Catanduanes.

ABOT BEWANG NA BAHA SA BAHAGI NG SORSOGON CITY
Lubog na sa baha at hirap nang daanan ng mga maliliit na sasakyan ang bahaging ng kalsada sa Barangay Rizal sa West District sa Sorsogon City dahil sa epekto ng Bagyong Kristine.

Ayon sa mga residente, abot bewang na ang baha sa kanilang lugar. Dahil pinasok na rin ng baha ang kanilang bahay, basa na ang ilan sa kanilang gamit.

Bahain daw talaga sa kanilang lugar dahil nasa mababang bahagi ito ng barangay at mayroon ding sapa sa likod ng kanilang bahay.

Ayon sa Sorsogon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, patuloy ang pagsasaayos ng mga culvert tunnel upang maalis ang mga nakabara at humupa ang tubig.

BAHAGI NG NORTHERN SAMAR, BINABAHA NA RIN
Sa Northern Samar naman sa Eastern Visayas, itinali na lang ng isang lalaki ang kanilang bahay sa isang kalapit na puno upang hindi matangay ng malakas na agos ng tubig.

Hanggang bewang na kasi ang baha sa kanila sa Barangay Pagsang-an sa bayan San Roque dahil sa walang tigil na pag-ulan na dulot ng Bagyong Kristine.

Dahil dito, lumikas na ang 80 pamilya sa barangay hall upang masiguro ang kanilang kaligtasan.

Ayon kay Irene Temporal, kapitan ng barangay, Lunes ng gabi pa lamang ay nagsimula na silang magbigay ng relief goods sa mga apektadong residente dahil mayroong kaunting stock na natira sa barangay.

Nagdagdag na rin ng relief good ang kanilang munisipyo.

Dahil sa patuloy na pagbaha, nawalan din ng kuryente ang buong barangay, dahilan upang mas maging mahirap ang komunikasyon sa mga residente, lalo na sa mga malalayong sitio.

Ikinababahala ng kapitan ang kalagayan ng isang sitio na hindi pa rin nila nakokontak. Anya, malaki ang posibilidad na baha rin doon.

Patuloy ding pinaalalahanan ang mga residente na manatiling alerto at mag-ingat, lalo na’t hindi pa humuhupa ang masamang panahon sa lugar. — Ronilo Dagos,