Enero
May pagsubok na magaganap sa iyo sa mga darating na araw. Kung gaano ka kagaling, dito masusukat ang iyong mga kaalaman sa inyong ginagawa. Iprisinta ang mga ideya nang mahinahon at huwag din mag-hard sell. Kailangan mo lamang na maging cool sa pagsasalita. Makikita din ng iba ang capability mo.
Pebrero
Sa mga panahong darating, makikita mo kung saan o ano ang status mo sa mga proyekto na ginagawa mo. Kung nakikipag-usap ka tungkol sa mga kikitain mo, maganda ang mga pagkakataon at nasa iyong pabor ang Lady Luck. Sa mga naghahanap ng trabaho, may pagkakataon o oportunidad na biglang magbubukas.
Marso
Anuman ang iyong inaayos sa linggong ito, malamang may mga linaw o magagandang balita na. Ngunit kailangan mo rin maging masinsin sa detalye at huwag basta-basta maniniwala sa sabi-sabi. Hindi magandang maging assuming nang wala pa ang pruweba. Baka name-mesmerize ka lang sa iyong mga kausap. Maging praktikal.
Abril
Panay trabaho ang focus mo ngayon. Kailangan maging grounded ka at tingnan mo lahat ng anggulo upang makagawa ng desisyon. Malakas ang cooperation sa iyong paligid at tila mabilis na ang pagdaloy ng mga trabaho at pakikipag-usap ngayon. Ingat lang at baka magkasipon at ubo.
Mayo
Mukhang may mabubuong paglalakbay sa mga darating na araw. Sa mga lugar na malapit o hindi kaya'y magaganda ang tanawin ang siyang pupuntahan mo. Mayroon ding pagbabago sa inyong mga plano o tirahan. Gawin ninyo lamang na maayos ang mga usapan upang hindi ka maging problemado sa bandang huli. Iwasan ang mga malabong mga kasunduan.
Hunyo
May kaunting good news pagdating sa pera o mga negosyo. Gaganda ang pagpasok ng pera sa linggong ito kaya samantalahin ang good vibes. Huwag kang babagal-bagal sa pagdedesisyon lalo na kapag andyan na ang pagkakataon. Ang mga may career naman ay magiging maayos din ang trabaho at may support sila ng kanilang bosses.
Hulyo
Maganda ang hiwatig ng paglalakbay ngayon. Time to relax a bit kaya dapat maging maayos ang iyong mga plano. Maglaan ng oras para din sa pamilya at tila nakakaligtaan mo sila. Maging open din sa dating kapag single ka para mas lumawak ang social circle mo at maging exciting ang lovelife.
Agosto
Isang pag-uusap tungkol sa pera ang matatapos ngayon. Kung may utang ka, maisasaayos mo na ang pagbabayad, gayundin kung mayroong may utang sa iyo na makikipagsundo sila at maidederetso na ang direksiyon na nais mong gawin dahil sa kompromiso na ito. Paglilinaw din ang tema ng linggo mo kaya pag-igihin din ang mga pag-uusap.
Setyembre
Isang hindi inaasahang windfall ang maaaring dumating sa iyo. Kailangan mo lamang na maging maagap at mabilis sa mga oportunidad upang makuha ang full benefit ng good luck mo. Magiging pansinin ka rin ng tao at tila nama-magnet sila sa iyo. Maging attentive ka din sa details ng papasukan mong endeavors.
Oktubre
Ang kalusugan ang nasa front seat ngayon at magiging masaya ang iyong mga resulta. Ang matagal mo nang tinatrabaho na diet at exercise or lifestyle change ay magbubunga na nang maayos. Ang iba naman na walang ginagawa sa kanilang ikabubuti ng kalusugan ay dapat mag-umpisa na upang hindi lumala ang problema.
Nobyembre
Sa kalagitnaan ng linggo, napakaganda ang pakikipag-usap sa mga tao. Kung mayroon kang ipinakikiusap o inaayos na mga kasunduan, malamang maganda ang magiging outcome. May romantic moments din sa singles kaya samantalahin ang magandang vibes.
Disyembre
Mas maraming magandang balita ang papasok. May magandang araw ang mag-uumpisa ng linggo kung saan unti-unting nagliliwanag ang mga plano o mga nakabinbin na usapan. May mga sopresa ring maaaring dumating at magaganap ang mga kasunduang makakabenipisyo sa usaping pinansiyal mo.