Mga Pinoy sa Japan, tinuruan ng diskarte sa pagnenegosyo | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga Pinoy sa Japan, tinuruan ng diskarte sa pagnenegosyo

Mga Pinoy sa Japan, tinuruan ng diskarte sa pagnenegosyo

Joemel Anas  | TFC News Japan 

 | 

Updated Nov 29, 2023 01:18 AM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

JAPAN – Hindi matatawaran ang sipag sa pagtatrabaho ng mga Pinoy sa Japan. Marami ang subsob sa pagbabanat ng buto para maitaguyod ang kanilang mga pamilya. Pinahahalagahan din nila ang tamang pangangasiwa ng kanilang pera.

“Hindi pwedeng habang buhay tayong magtatrabaho. kailangan mag-isip tayo ng paraan paano mag-invest,” sabi ni Belle Nishime.

Malaking pakinabang sa mga Pinoy sa Japan na marinig ang mga payo at diskarte ng mga eksperto sa usaping pananalapi.

“Kaming mga leaders dito ginagawa namin ang lahat para matulungan ang kapwa naming Pilipino, hindi lang dahil sa may pera sila sa pagtatrabaho nila kundi, paano nila maipagpapatuloy na gumanda ang buhay nila,” pahayag ni Joylyn Wakayama ng FILCOM-CCCAC.

ADVERTISEMENT

“Kahit nandito sila sa Japan maintindihan nila na hindi naman sila po mababalewala yung pinaghirapan po nila,” ani Rotary Satellite Club of Loyola Heights Chairperson Lisa Baba Buraga.

Dinaluhan ng ilang Pinoy ang inorganisang event sa Kariya City, Japan kung saan ilang negosyante at motivational speaker ang nagbigay ng payo sa pagnenegosyo.

“Ang pag-unlad ng isang tao ay nag-uumpisa kung paano sila mag-isip. Alam naman ng mga tao na kailangang mag-ipon, kailangan mag-budget, kailangan makalabas sa utang,” pagbabahagi ng motivational speaker na si Chinkee Tan.

“Sa pamamagitan ng ganitong mga forum, financial literacy seminar mai-share natin yung mahahalagang aralin para ang ating mga kababayan ay matuto kung paano maging matagumpay sa kanilang piniling buhay OFW,” sabi naman ng isa pang speaker na si Alex Milan.

Maraming napulot na aral at inspirasyon ang mga dumalo sa event.

“Dapat the more malaki ang kita mo, the more na binabawasan mo yung expenses mo,” sabi ni Mary Lou Javier.

“Kailangan natin ng mentorship kumbaga, paano ka makakapunta sa isang lugar kung hindi pa napuntahan. Siyempre ang mas maganda may magtuturo sa iyo yung nandoon na at mayrong kakayanang magbigay ng kaalaman sa iyo,” ani Leo Perez.

Hangad ng mga lider ng filipino community sa japan na mas matulungan at madagdagan pa ang kaalaman sa kabuhayan ang ating mga kababayan para sa kanilang tagumpay at pagbuti ng buhay ng kanilang mga pamilya.

Para sa iba pang ulat patungkol sa mga Pilipino sa iba't ibang bahagi ng mundo, panoorin at tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

Read More:

TFC News

|

Japan

|

Pinoy

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.