Unibersidad sa Germany nagtuturo ng Filipino language seminar | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Unibersidad sa Germany nagtuturo ng Filipino language seminar

Unibersidad sa Germany nagtuturo ng Filipino language seminar

Michael Delizo,

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 24, 2020 11:59 PM PHT

Clipboard

Bukas ang Filipino Language classes sa lahat ng Humboldt University students. Ang classes ay bubuksan sa Winter Term at ituturo ni Antonio Galang Jr. mula sa University of the Philippines. Larawan mula sa Facebook ng Philippine Embassy in Germany

MAYNILA (UPDATED/CORRECTED) – Itinuturo sa Humboldt University Berlin, isa sa mga prestihiyosong paaralan sa Germany, ang Filipino language seminar.

Ayon kay Dr. Rosa Cordillera Castillo, assistant professor ng naturang unibersidad, puwede nang makompleto ng mga estudyante ang module sa Filipino at makakuha ng European Credit Transfer and Accumulation System (ECTS) points.

“However, this is not a Filipino language program, as mistakenly written in some news articles. Students will not get a degree or certificate in Filipino language,” aniya.

Si Castillo ay napabilang sa Department of Southeast Asian Studies ng Humboldt University Berlin-Institute for Asian and African Studies.

ADVERTISEMENT

Nilinaw ng propesor na itinuro na ang Filipino language sa iba’t ibang paaralan sa Germany. Kabilang dito ang Frankfurt Goethe University, Divine Mertes at University of Hamburg.

Sinabi rin ni Castillo na dati nang itinuro sa Humboldt University Berlin ang Filipino language seminars ng ilang semester. Natigil ito dahil sa kakulangan ng pondo ng Humboldt University Berlin- Institute for Asian and African Studies na siyang nagbabayad ng honoraria sa mga guest lecturer.

Pero nang mag-alok ng donasyon ang opisina ni Sen. Loren Legarda, sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa Germany, para palakasin ang Philippine studies sa naturang unibersidad, naglaan ng pondo ang Humboldt University Berlin para sa honorarium ng Filipino language teacher na siyang magtuturo ng module sa 4 na sunod-sunod na semester.

Nilinaw din ni Castillo na ang pag-usbong ng Philippine studies sa naturang unibersidad ay hindi nagsimula sa proyektong Advancing Philippine Studies na ginawa sa pakikipagtulungan ng Philippine Embassy sa Germany at Humboldt University Berlin.

“Dr. Castillo, with the support of department colleagues, has been strengthening the Philippine studies component (not program) of the Department for Southeast Asian Studies since she was hired as an assistant professor in 2017,” ayon sa pahayag ng paaralan.

ADVERTISEMENT

Dagdag nito, “Aside from Dr. Castillo teaching and developing Philippine studies-related seminars, the Philippine Studies Series Berlin platform based at HU-IAAW, which she runs together with other Filipinos, Germans, and other nationalities since 2014, has played a significant role in these efforts.”

Dating sinabi ng Philippine Embassy sa Germany na pinangungunahan ng Filipino language instructor na si Antonio Galang Jr. ng University of the Philippines ang language program doon na iniaalok para sa winter term.

Ang naturang language program ay isa sa major components ng Philippine studies na inilunsad lang din noong Hulyo, sabi ng embahada.

Bukod sa Germany, may kursong Philippine studies din sa ilang eskuwelahan sa China kung saan pinaag-aaralan ang Filipino language.

Ayon kay Alberta, Canada premier Rachel Notley, pinag-aaralan na rin ang Filipino language sa ilang high school sa Alberta at maraming eskuwelahan pa doon ang naghahandang i-offer ito sa 2020.

Editor's Note: Unang nabanggit sa istorya na kakalunsad lang ng paaralan ng Filipino language program. Kami ay humihingi ng paumanhin sa pagkakamali.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.