'Maraming katawan sa daan': Ilang Pinoy inilarawan ang nakita sa Itaewon stampede | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Maraming katawan sa daan': Ilang Pinoy inilarawan ang nakita sa Itaewon stampede

'Maraming katawan sa daan': Ilang Pinoy inilarawan ang nakita sa Itaewon stampede

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 01, 2022 02:43 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - Nakuhan ng video ni Jovy Anh Alinsunurin ang masayang pagtitipon at kumpulan ng tao sa Itaewon sa Seoul, South Korea.

Party mode ang maraming kabataan para sa Halloween kaya bukas ang mga bar na may kani-kaniyang gimik.

Pero sa dami ng taong nagsisiksikan, nagpasya si Alinsunurin at ang kaniyang kaibigan na umalis na lang.

"Maraming kabataan, mahirap maka-alis sa lugar dahil siksikan, maraming tao sa subway," ani Alinsunurin.

ADVERTISEMENT

Ang desisyon nilang lisanin ang Itaewon ang magliligtas pala sa kanilang buhay dahil bandang alas-10 ng gabi ay isa-isa nang dumarating ang mga ambulansiya.

Nauwi pala sa stampede ang kumpulan ng mga tao at marami ang naipit, nadaganan, at namatay.

"Sa gilid ng ambulance ang dami nang katawan na nasa ano nasa daan tapos yung mga daan na yan mga four na road street siksikan na ang mga tao na para nang mga langgam na ulo na ang nakikita," ayon sa Pinoy na si Gennie Kim.

Nakuhanan din ni Kath Laspona ang pag-rescue sa mga biktima. Karga-karga ang biktima palabas sa kalsada.

Karamihan sa kanila mga babae.

ADVERTISEMENT

Labis pa rin ang pagkabigla ni Laspona pero nagpasalamat siya dahil naiwasan nila ang kalye kung saan mismo naganap ang stampede.

Ganito rin ang saloobin ni Alinsunurin na pakiramdam niya pangalawang buhay na niya itong ibinigay sa kaniya nang makaligtas sa kapamahakan.

Ayon sa embahada ng Pilipinas sa Seoul, nasa 151 ang namatay sa stampeded, 200 ang sugatan habang may 9 na kritikal.

Wala pang naiuulat na Pinoy na nasaktan sa insidente, ayon kay ambassador Theresa Dizon-De Vega.

"Kung meron kayong mga kamag-anak na nag-aaral, tumitira po dito lalong lalo na po sa Seoul area po kung maari lang po paki-check po sa kanila via yung usual na messaging app po natin," ani De Vega.

ADVERTISEMENT

Iniimbestigahan na rin ng Korean government ang nangyaring stampede at idineklara ang National Tragedy Day mula ngayong Linggo hanggang Nobyembre, at kanselado na ang lahat ng mga okasyon lalo na ang mga may kinalaman sa Halloween.

-- Ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.