Nasa 300 OFW, apektado ng total deployment ban sa Micronesia | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Nasa 300 OFW, apektado ng total deployment ban sa Micronesia

ABS-CBN News
Published Sep 19, 2018 09:18 PM PHT

Nasa 300 overseas Filipino workers (OFW) ang apektado sa total deployment ban na ipinatupad ng Pilipinas sa Micronesia simula Setyembre 4 dahil sa paglabag umano sa karapatan ng mga Pinoy health worker doon.

Ito ay matapos makatanggap ng ulat ang POEA noong 2017 na hindi nasusuwelduhan ang ilang Pinoy sa isang public hospital sa Micronesia.

Sinubukang makipagnegosasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa ospital, pero nagmatigas raw ito kaya inirekomenda ng ahensiya sa na tuluyang ipatigil ang deployment ng mga OFW doon.

“Kung 'yung mismong government ng Micronesia is not able to protect 'yung rights ng ating mga worker at hindi in-observe 'yung provisions sa kanilang employment contract what more doon sa mga private hospitals?” ani POEA administrator Bernard Olalia.

Hindi rin masabi kung hanggang kalian ang ban, pero giit ng POEA na marami pang alok sa ibang bansa para mamasukang nars o caregiver tulad ng United Kingdom, Saudi Arabia, at Japan.

Sa Saudi Arabia, kinakailangan ang 300 nars. Kailangan lang magbigay ang aplikante ng kopya ng kanilang lisensiya at 2 taong experience.

Nasa 3,300 riyal (Halos P50,000) ang sahod at may kasamang food allowance, paninirahan, transportasyon at taunang bakasyon.

Hindi na rin pababalikin sa Micronesia ang mga OFW na umuwi lamang ng Pilipinas para magbakasyon.

Tinanggal naman ang quota ng United Kingdom sa mga non-European na doktor o nars na nais mag-apply sa kanila.

Ngunit ayon sa ilang aplikante, pahirapan umano ang pagpasok sa UK dahil bukod sa required score na 7 sa International English Language Testing System (IELTS), kinakailangan ring makapasa sa computer-based test at objective structured clinical examinations.

--Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
TV Patrol
Zen Hernandez
TV Patrol Top
Labor
OFW
United Kingdom
Saudi Arabia
Japan
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT