2 patay sa pagsabog sa restaurant sa Abu Dhabi | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 patay sa pagsabog sa restaurant sa Abu Dhabi

2 patay sa pagsabog sa restaurant sa Abu Dhabi

Rachel Salinel,

ABS-CBN News

Clipboard

Isang pagsabog ang naganap sa isang restaurant sa Abu Dhabi sa UAE. Photo courtesy of Jay Bai

ABU DHABI, UAE - Dalawang tao ang nasawi sa pagsabog sa isang restaurant sa Abu Dhabi sa United Arab Emirates Lunes ng umaga.

Ayon sa Abu Dhabi Media Office, isa sa nasawi ay dumadaan lang nang tinamaan ng debris galing sa pagsabog habang ang isa ay namatay malapit sa pinangyarihan ng insidente.

Sa unang ulat ng Abu Dhabi Police “gas explosion” sa kainan sa isang gusali sa Rashid bin Saeed Street ang dahilan.

Ayon sa Philippine Embassy sa kabisera, minomonitor nila ang sitwasyon at handang magbigay ng assistance sakaling may Filipino na nasaktan sa pangyayari.

ADVERTISEMENT

Anila maaaring may mga Filipino na nagtatrabaho sa restaurant bagama't hindi pa ito nakukumpirma sa kanila ng management ng kainan sa kasalukuyan.

“The Embassy joins the Filipino community in UAE in hoping that there would be no further fatalities and that other involved in the incident would have no serious injuries. The Embassy is on the alert and ready to extend assistance,” pahayag ng embahada.

Isa si Jessie Balasi Intendencia mula Abu Dhabi ang nakausap ng ABS-CBN News sa pagsabog.

“Naglalakad kami kanina kasi bibili kami ng pagkain ng bigla kaming me narinig na pagsabog at nataranta kami,” kuwento ni Jessie.

Dagdag niya mayroon silang nakitang mga nasaktan pero hindi niya matiyak kung ano ang mga nationality.

“I pag-pray na lang natin na sana walang kabayan ang nadamay sa pagsabog na iyon kasi nga sa area na iyon maraming kababayan ang nakatira doon at kumakain,” ani Jessie.

Agarang naitakbo sa malapit na hospital ang mga nasugatan at na evacuate naman ang mga nakatira at sa gusali habang nag iimbestiga ang mga otoridad ng Abu Dhabi.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.