Igorot house nakabalik na ng Pilipinas mula UK matapos ang 2 dekada | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Igorot house nakabalik na ng Pilipinas mula UK matapos ang 2 dekada

Igorot house nakabalik na ng Pilipinas mula UK matapos ang 2 dekada

Rose Eclarinal,

ABS-CBN News

Clipboard

LONDON - Isang makasaysayang paglalakbay ng isang Igorot heirloom ang nakumpleto sa tulong ng Igorot Association UK.

Ang 1920s Igorot house at granary ay naglakbay mula sa Cordilleras at naging bahagi ng 1996 British Museum exhibit na pinamagatang "Stairways to the Sky."

Ito ay nakasentro sa rice-eating culture ng Pilipinas. Pormal na binuksan ang exhibit ng Duke of Gloucester at tumagal ng higit isang taon. Nakabalik na ito ngayon sa Pilipinas.

Ang Igorot rice granary na imbakan ng bigas sa upland Luzon ay nagmula sa influential mumbaki figure o religious leader sa Cordilleras. Malaki ang pagpapahalaga ng mga Igorot sa UK sa rice granary dahil bahagi rin ito ng kanilang kuwento bilang asosasyon.

ADVERTISEMENT

"It came full circle. It came from the Igorot region, was displayed as an example of cultural cooperation between Philippines and UK and now back in the Philippines," sabi ni Consul General Senen Mangalile.

Sa paniniwala ng mga Igorot, ang cultural artifacts ay dapat pinapahalagahan lalo na at kakambal ito ng kanilang spirituality.

"When it came to England and it was sold, the caretaker passed away. Because it has to be passed on," paliwanag ni Conchita Pooten na caretaker na ngayon ng rice granary.

Matapos ang symbolic turnover ng Horniman Museum and Gardens sa pakikipagtulungan ng embahada ng Pilipinas sa London, ang rice granary ay nasa pangangalaga na ng Pooten family at inuwi sa Pilipinas.

Sabi ni Pooten, lahat ng ritwal ng Igorot ay sinunod nila kaya nagdadala raw ng suwerte sa kanilang tahanan at pamilya ang rice granary.

ADVERTISEMENT

"It brings in good luck. You just don't discard things like that," paliwanag ni Pooten.

"Ang importante dito 'yung second generation ng Igorot raised and grew up here, will be able to see that they have a rich culture as descendants of Filipinos who migrated here. Exhibits like this are tangible representations of that cultural heritage," sabi ni Mangalile.

Dagdag ng embahada, importante ang kuwento ng rice granary dahil ipinapakita nito ang pagpapahalaga ng mga Igorot sa kanilang kultura at tradisyon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.