1st collab ng Pinoy at Timorese artists, isang wall-sized mural | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

1st collab ng Pinoy at Timorese artists, isang wall-sized mural

1st collab ng Pinoy at Timorese artists, isang wall-sized mural

Annalyn Mabini | TFC News Timor-Leste

Clipboard

TIMOR-LESTE – Isinapubliko sa Cultural Night Celebration ng Philippine Embassy sa Timor-Leste noong Agosto 6 ang kauna-unahang artwork collaboration sa pagitan ng Pinoy at Timorese artists. Ang artwork ay isang wall-sized mural na may lapad na 45 feet at taas na 12 feet na matatagpuan sa Embahada ng Pilipinas sa Timor-Leste. Layon ng proyekto na pukawin ang sense of Filipino pride, kulturang Pinoy at nostalgia sa mga kababayan sa nasabing bansa.

mural
Ang "Pilipinas sa Timor-Leste" mural na may lapad na 45 feet at taas na 12 feet na matatagpuan sa Embahada ng Pilipinas sa Timor-Leste

“Para ma-promote ang cultural diplomacy ng Pilipinas sa Timor-Leste at bilang pag-promote sa Filipino artists at pag-empower sa Timorese artists din,” ani Atty. Laser Blitz B. Sumagaysay, Chargé d’ Affaires, a.i. / Acting Head of Post ng Philippine Embassy sa Dili, Timor-Leste.

Makikita sa mural ang mahigit tatlumpong simbolo ng kasaysayan at kulturang Pinoy kasama na ang mga bandila ng mga bansang kasapi sa ASEAN kabilang ang Pilipinas, Brunei, Burma (Myanmar), Cambodia, Indonesia, Laos o Lao PDR, Malaysia, the Philippines, Singapore, Thailand, at Vietnam.

mural
Makikita sa mural ang mga bandila ng ASEAN Member States sa hood ng Jeepney

Kasama sa mural painting ang imahe ni Dr. Jose rizal, ibong maya, Pinoy jeepney, bulkang Mayon, bahay-kubo, sorbetes o dirty ice cream, bandila ng Pilipinas at marami pang iba.

ADVERTISEMENT

“Kilala ang mga Pilipino bilang matulungin at malakas ang “bayanihan spirit.” Ang cultural celebration (Mural) ay nagpapakita ng katatagan at pagpapahalaga sa “Pinoy pride” ng mga Pilipino sa gitna ng pandemya,” dagdag pa ni Atty. Sumagaysay

Kakaiba at masinsin ang proseso kung paano nabuo ang makulay na mural dahil ang nagdisenyo ay mga malikhaing Pilipinong artist na nasa Pilipinas at ang mga nagpinta naman ay ang self-taught Timorese artists mula sa grupong Gembel Art Collective mula sa Dili. Inabot ng dalawang linggo ang paggawa ng disenyo sa Pilipinas at dalawang linggo rin ang ginugol ng Timorese artists sa pagpinta ng mural.

mural
Ang mga Timorese artist habang ipinipinta ang "Pilipinas sa Timor-Leste" mural

“The Philippine Embassy in Dili, Timor-Leste reached out to the National Commission for Culture and Arts (NCCA), Arts in Public Spaces (Ms. Lad Argonza and Mr. Egai Talusan Fernandez). Ang inendorso ng NCCA ay ang ANG GERILYA art group na kilala sa proyekto nilang Lagusnilad...Sa pamamagitan ng online meeting, pinag-ugnay ng Embahada ang dalawang art groups...” kuwento pa ni Atty. Sumagaysay.

Sa panayam ng TFC News sa isa sa dalawang artists mula sa Gerilya Art group na nagdisenyo ng mga imahe sa mural, masaya sila sa kinahinatnan ng large-scale artwork.

“...naging posible ang aming artwork sa tulong nila. Nakuha po nila ang tamang mga kulay at layout na aming nilatag na disenyo,” ani Marianne Rios ang lead artist ng mural mula sa Gerilya Art group na nakabase sa Pilipinas. Kasama ni Rios na gumawa ng mga disenyo ang isa pang Pinoy artist na si Janno Gonzales.

ADVERTISEMENT

Ibinahagi rin ni Rios kung paano nila pinili ang mga imahe para sa artwork:

“Pumili kami ng mga imahe na sa unang tingin mo pa lamang ay maaalala mo ang Pilipinas, gusto namin na ang mga kababayan natin na nasa Timor-Leste na makakakita sa mural ay makaramdam ng kaligayahan at pagpapahalaga sa lupang sinilangan. Sentro sa disenyo ang salitang 'Pilipinas,' hango sa kulay ng bandila...

Naisip naming ilatag ang samu't saring mga 'Pinoy icon' na animo'y 'Halu-halo.' Mula sa pambansang bayani na si Rizal hanggang sa 'Haribon,' sa Vinta, at iba pang makukulay na imahe...maging ang mga bandera ng mga miyembrong bansa, makikita ito na nakalapat sa pabalat ng Jeepney. Inilagay din namin ang pangalan ng bansang 'Timor-Leste' sa mismong disenyo ng ice cream cart...,” pagbabahagi ni Rios.

Sa gitna man ng pandemya, ang pagiging malikhain ng mga Pinoy ay angat at kayang makiisa sa ibang artists sa labas man ng bansa.

mural
Ilang Pinoy sa Timor-Leste na nagpakuha ng larawan sa makulay na mural

“Lubos na nagpapasalamat ang Embahada sa pagtangkilik ng ating mga kababayan sa kulturang Pilipino lalo na at nandito tayo sa malayo at hindi nadadalaw na dako ng mundo kahit na nung wala pa ang COVID-19 pandemic. Importante na ipagtuloy ang magandang relasyon ng Pilipinas at Timor-Leste bilang kapwa bansa sa Southeast Asia,” pahayag ni Atty. Sumagaysay.

“Mahalaga na malaman at maikwento natin ang ating makulay na kultura sa ibang bansa upang maging inspirasyon at makapagbahagi tayo ng mga magagandang aral mula rito. Isa rin itong simbolo ng pagkakaisa ng mga bansa at tiwala na magagawa ang proyektong ito sa kabila ng pandemya,” ani naman ni Rios.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.