'Chocolate Queen” ng Cebu nagbahagi ng kaalaman sa Singapore | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Chocolate Queen” ng Cebu nagbahagi ng kaalaman sa Singapore

Annalyn 'Apol' Mabini | TFC News Singapore
Published Jul 15, 2023 08:07 PM PHT
|
Updated Jul 20, 2023 10:05 AM PHT

SINGAPORE - Nagbahagi ng kanyang kwento ang tinaguriang “Chocolate Queen” ng Cebu na si Ms. Raquel Choa, founder ng The Chocolate Chamber o TCC. Inorganisa ito ng Embahada ng Pilipinas sa Singapore bilang bahagi ng inaugural Food Trek 2023, isang highlight sa pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas.

Ibinahagi ni Choa sa event kung paano gumawa ng tsokolate gamit ang cacao at kung paano nakatutulong ang produkto sa cultural, trade at entrepreneurial efforts sa pagitan ng Pilipinas, Mexico at maging ng Singapore.

Naimbitahan di si Choa ng Mexican Ambassador sa kanyang official residence para sa “Chocolate Break” noong June 24.

Bukod sa storytelling session sa pangunguna ni Choa, natikman ng mga lumahok sa chocolate break ang Sikwate, ang bersyon ng hot chocolate ng Cebu o mas kilala sa tawag na tsokolate de batirol na gawa mula sa tablea. Ipinamahagi rin sa participants ang handmade na bola de cacao para sa shaved chocolate toppings sa iba-ibang putahe.

ADVERTISEMENT
Ayon pa sa Embahada ng Pilipinas sa Singapore, nagbigay ng pagkakataon sa mga lumahok tulad ng mga kinatawan ng Singapore hotels, F&B industry, culinary at educational institutions, history at cultural enthusiasts at maging ng mga Embassy partner, na makilala pa ang TCC at ang tsokolate at cacao ng Pilipinas. Nagbigay rin ito ng oportunidad para sa business partnerships sa pagitan ng Pilipinas at Singapore.

Hinikayat naman ni Philippine Ambassador to Singapore Medardo G. Macaraig ang plano ng TCC na palawakin pa ang branches nito lalo na sa Singapore.

Ang taong 2023 ay siya ring ika-70 anibersaryo ng diplomatikong relasyon ng Pilipinas at Mexico.