Produktong Pinoy patok sa Filfood Fest sa Dubai | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Produktong Pinoy patok sa Filfood Fest sa Dubai

Produktong Pinoy patok sa Filfood Fest sa Dubai

Rachel Salinel,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 13, 2019 05:47 PM PHT

Clipboard

Maganda umano ang feedback maging ng mga banyaga sa amoy at lasa ng Kapeng Barako ng Batangas. Larawan mula kay Arnold Valbuena


Bumida ang Kapeng Barako ng Batangas, Malagos chocolate ng Davao at salabat sa Filfood Fest 2019 sa Dubai, United Arab Emirates.

Mahigit 30 restaurants ang sumama sa isang buwang marketing campaign ng mga pagkaing Pinoy sa bansa.

Ito ay inorganisa ng executive director ng Filfood Asia Gulf na si Jose Jovy Tuaño para makatulong harapin ang mga hamon sa mahigit 300 Filipino-owned restaurants sa UAE.

“We hope to achieve wider acceptance of the Filipino food not only among the Filipino community but also among multicultural communities that include our Emirati brothers, Europeans and other Asians from those countries living in the UAE and experience happy food from happy people,” pahayag ni Tuaño.

ADVERTISEMENT

Ilan daw sa mga hamon ay ang dami ng kompetisyon na nagbababaan sa presyo ng pagkain, ang pagsasara ng ilang mga kainan at ang hindi maisupply ang mga produktong Pinoy dahil mahal ang organic o mas mahal ito kaysa sa mga produce mula sa ibang bansa.

Masaya namang nagpahayag si Sheryl Bacay-Agbing, managing partner ng EntrePinoy, na nagpo-promote ng Kapeng Barako.

“Mula nang nag-launch kami ng barako napakaganda ng feedback that even other nationalities like the taste and aroma of Kapeng Barako,” sabi ni Agbing.

Kaya sila sumama sa Filfood Fest ay para makapag-collaborate sa ibang Filipino brands at “magtutulungan kami, create new product, and share tips like marketing tools.”

Maliban sa kape, naging hit din ang Malagos Chocolate ng Davao sa festival na ginanap sa Kubyertos Restaurant sa Jebel Ali, Dubai.

Isa sa mga nakatikim ay si Ali Ravago mula sa Dubai na nagsabing masarap ang flavor dahil sa rich ika niya ang lasang chocolate.

“The big difference of Malagos chocolate from the other chocolate is that this is not a compound and this is pure and natural with a cocoa butter in it,” sabi ni Riza Engoc, marketing manager ng authorized distributor ng Malagos chocolate sa UAE.

Nagsimula ang Filfood Fest 2019 noong Hunyo 12 na inilunsad sa Abu Dhabi at pinangunahan ni Philippine Ambassador to the UAE Hjayceelyn Quintana.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.