Mahigit 1,000 isinanlang Philippine passport, nakumpiska sa Hong Kong | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mahigit 1,000 isinanlang Philippine passport, nakumpiska sa Hong Kong

Mahigit 1,000 isinanlang Philippine passport, nakumpiska sa Hong Kong

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 05, 2019 08:17 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA - Mahigit sa 1,000 Pilipino ang nakumpiskahan ng passport sa Hong Kong matapos nila itong isanla para makautang ng pera, sabi ni Antonio Morales, Philippine Consul General sa Hong Kong, Biyernes.

Bagamat ipinagbabawal sa batas, nakaugalian na ng ilang overseas Filipino worker sa Hong Kong ang magsanla ng kanilang mga pasaporte, sabi ni Morales sa isang panayam sa DZMM.

"Nasa 1,400 pasaporte ang kanilang ipinirenda sa isang nagpapautang sa ating mga kababayan. Nahuli ng pulis at kinuha 'yung 1,400 passports," sabi ni Morales.

Naibalik na sa konsulado ng Pilipinas ang 904 sa mga passport, habang ang iba ay binigyan na ng bagong pasaporte at travel documents, aniya.

ADVERTISEMENT

Ayon sa mga awtoridad, tiga-Hong Kong ang ilegal na nagpapautang sa mga Pilipino. Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye ang consul general ukol sa pagkakakilanlan ng suspek.

Paalala ni Morales, may mga karampatang parusa para sa mga magsasanla ng passport.

Sa first offense, automatic na ica-cancel ang passport at kung sakaling mag-aapply ulit ang nagsanla ay 5 taon na lang ang validity ng bagong passport na ibibigay sa kaniya.

Sa pangalawang offense, one way pass na lang pabalik ng Pilipinas ang ibibigay at sa Pilipinas na lamang ito maaaring makakuha ng panibagong passport, sabi ni Morales.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.