Buhay ng ilang piling OFWs, tampok sa dokumentaryo sa Hong Kong | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Buhay ng ilang piling OFWs, tampok sa dokumentaryo sa Hong Kong

Buhay ng ilang piling OFWs, tampok sa dokumentaryo sa Hong Kong

Jefferson Mendoza  | TFC News Hong Kong 

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

HONG KONG - Tampok ang buhay ng ilang Overseas Filipino Workers o OFWs sa Hong Hong sa dokumentaryong "Migrant Women Rise" na binuo ng Filipino-American seminarian na si Francis Catedral.

Isa rito si Anabelle Maregmen na 23 taon nang nagtatrabaho sa Hong Kong bilang household worker. Vice Chairperson ng Gabriela sa Hong Kong sa Maregmen, at ikinagulat at ikinagalit niya ang pagkaka-red tag sa kaniya.

“Sinasabihan kami na mga komunista samantalang ang aming ginagawa ay nagra-rally para sa ating sahod... mga inhuman policies na naranasan dito sa Hong Kong at pati na rin sa atin sa Pilipinas,” ani Maregmen.

Makikita rin sa dokumentaryo ang pang-araw-araw na buhay ni Dolores Balladares-Pelaez, Chairperson ng UniFil-Migrante sa Hong Kong, at apat na taon ng hindi nakabalik ng Pilipinas. Hindi na ikinagulat ni Dolores ang pag-red tag sa kaniya.

ADVERTISEMENT

“I’ve been here for 27 years at buong panahon ko talaga inilaan ko para sa pagtulong sa mga kapwa natin... Parang ang hirap na ‘yung mga inaakusa sa amin ay ginagawa just to pin us down, para lang pigilin lang kami sa aming ginagawang pag-critize sa government,” sabi ni Dolores.

Ayon kay Catedral, nais niyang mailahad sa kanyang dokumentaryo ang buhay ng mga OFW tulad nina Annabelle at Dolores na naapektuhan ang mga buhay dahil sa panghuhusga sa kanila.

“They couldn’t get back home because it was affecting their families, and relationships. And that hardship and that kind of dehumanization was something that I kind of want to combat through storytelling through building empathy, through the human story and showing the actual human experience versus the perception of what people might be when they are labelled at,” sabi ni Catedral.

Pinanood ni Kowloon Union Church Pastor Maggie Mathieson ang dokumentaryo. Nangyari na rin aniya ito sa kaniya noong nagtatrabaho pa siya sa Israel at Palestine bago pa siya pumunta ng Hong Kong.

“Because if we are enabling to this and we are mute and we don’t speak, we don’t acknowledge that this is happening, then we are cheating humanity and cheating ourselves because we could be the next person,” sabi ni Mathieson.

Para sa kanila, kailangang may pumupuna sa mga pagmamalabis sa kapwa, lalo na sa mga Pinoy na nasa labas ng bansa na walang maasahan kundi ang kanilang mga kababayan.

Para sa iba pang ulat patungkol sa mga Pilipino sa iba't ibang bahagi ng mundo, panoorin at tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.