Israel, tatanggap na ng mga turistang nabakunahan kontra COVID-19 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Israel, tatanggap na ng mga turistang nabakunahan kontra COVID-19

ABS-CBN News
Published Apr 14, 2021 03:22 PM PHT

MAYNILA - Magbubukas na ang bansang Israel sa mga dayuhang turista sa susunod na buwan, basta't sila ay nabakunahan na sa COVID-19.

Ayon sa Israel Embassy sa Pilipinas, magsisimulang magpapasok ang bansa ng mga nabakunahang turista sa Mayo 23.

Sa framework na napagkasunduan ng ministries of Health at Tourism, darating sa Mayo 23 ang limitadong bilang ng turista, na balak din namang dagdagan batay sa sitwasyon sa kalusugan.

"Israel will open its gates to foreigners after more than a year. In the first stage, groups will be allowed in under guidelines to be published by the Ministries," ayon sa pahayag ng embahada.

Required sumailalim sa PCR test ang sinumang sasakay sa flight papunta sa Israel, bukod pa sa serological test para mapatunayan ang bakuna pagbaba sa airport doon.

Ilalabas ng pamahalaan ang detalyadong outline sa mga susunod na araw.

PANOORIN:
Ayon sa Ministry of Health ng Israel, natatamasa na umano nila doon ang magandang resulta ng pagbabakuna kontra sa virus.

"After opening the economy, it is time to allow tourism in a careful and calculated manner. Opening the tourism is important for one of the fields most hurt during the COVID year," ani Yuli Edelstein, health minister ng Israel.

Matapos silang magbukas ng ekonomiya, panahon na umano para magbukas na rin sila ng turismo sa maingat na pamamaraan, ayon sa kanilang Ministry of Tourism.

"It is time that Israel's unique advantage as a safe and healthy country start to assist it in recovering from the economic crisis, and not only serve other countries' economies," paliwanag ni Orit Farkash-Hacohen, Minister of Tourism.

"Only opening the skies for international tourism will truly revive the tourism industry."

Visa-free ang mga Pinoy sa Israel ng hanggang 90 araw.

- Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News
Read More:
Israel
tourism
COVID-19
COVID-19 vaccine
Israel Embassy
Tagalog news
patrolph
coronavirus
Israel tourism
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT