Mga Pinoy sa Italya, dugo ang alay pansagip-buhay sa gitna ng banta ng COVID-19 | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga Pinoy sa Italya, dugo ang alay pansagip-buhay sa gitna ng banta ng COVID-19

Mga Pinoy sa Italya, dugo ang alay pansagip-buhay sa gitna ng banta ng COVID-19

Mye Mulingtapang,

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 08, 2020 06:06 AM PHT

Clipboard

Ang active blood donor na si Rei Collado, di alintana ang panganib na dala ng COVID-19 makatulong lamang sa mga nangangailangan. Larawan mula kay Rei Collado.

Sa pananalasa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Italya, apektado ang supply ng dugo sa mga ospital. Bukod sa mahigpit na pagpapatupad ng nationwide quarantine ay may peligro rin para sa mga blood donors dahil ang mga ospital ay puno ng mga pasyente.

Walang sapat na supply ng dugo sa mga ospital sa kasalukuyan dahil naantala ang regular na donasyon mula sa mga boluntaryong donor kasunod ng lockdown.

Pero ang mga Pinoy, hindi alintana ang panganib at pinili pa rin na makatulong sa iba sa pamamagitan ng pagdo-donate ng dugo.

Nanguna ang Filipino Blood Donors of Milan na sumagot sa apela ng isang ospital.

ADVERTISEMENT

Ang samahang Pilipinong ito sa tulong ng founder na si Tessie Acuña na isa ring aktibong donor ay halimbawa ng kagitingan at kagandahang loob ng mga Pilipino sa gitna ng krisis.

Bagaman may ilang mga Pinoy ang nakaranas ng diskriminasyon simula ng lumaganap ang virus, hindi ito naging hadlang para ituloy ang kanilang misyon na magsalba ng buhay.

"Ang bawat patak ng dugo na kanilang inaaalay ay magdudugtong ng buhay sa mga may malulubhang sakit. Para sa akin, iisa lamang ang kahulugan nito, sila'y mga taong may ginintuang puso, mga tunay na bayani sa isip sa puso at sa gawa," ani Acuña.

Si Rei Collado walang pagdadalawang-isip at matapang na nag-donate sa kasagsagan ng COVID-19 sa Italya. Sabi ni Collado, ito ang kanyang paraan upang makaganti ang kabutihan ng bansang itinuring niyang pangalawang tahanan.

"Sa mga biyayang natanggap ko at ng pamilya ko dahil sa bansang ito ay naramadaman ko na kahit ganitong paraan lang ay masuklian ko ang mga bagay na nagawa ng bansang ito para sa akin at sa pamilya ko," ani Collado.

ADVERTISEMENT

Ang mentor ng FBDM at head ng Transfusion Center ng Policlinico di Milano na si Dr. Gianfranco Contino ay may apela para sa mga Pilipino sa panahong krisis pangkalusugan sa Italya.

"Le donazione del sangue non si possono fermare. Vi invito a non desistere continuare donare il sangue. Venite a donare il sangue. Ci troviamo in una situazione di carenza di emergenza sangue che si protrara fino a Giugno," ani Contino.

(Blood donations cannot be stopped. I invite you not to give up on continuing to donate blood. Come and donate blood. We are in a situation of a blood supply emergency and deficiency which will last until June.)

Para kay Contino, simbolo ang mga Pilipino ng makabuluhang panlipunang integrasyon ng mga migrante sa Italya.

"FBDM e sono un espressione di integrazione sociale e civile nell tessuto di una citta grande un metropoli come quello di Milano," ani Contino.

ADVERTISEMENT

(FBDM is an expression of a social and civil integration in the fabric of a big city, a metropolis like that of Milan.)

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.