Labi ng mag-asawang Pinoy na nasawi sa sunog sa Paris, iuuwi sa Pinas | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Overseas
Labi ng mag-asawang Pinoy na nasawi sa sunog sa Paris, iuuwi sa Pinas

Marilyn Paed-Rayray,
ABS-CBN News
Published Feb 23, 2019 12:16 AM PHT
|
Updated Feb 23, 2019 02:06 AM PHT
PARIS - Nakatakdang dumating sa Pilipinas Sabado ng hapon ang mga labi ng mag-asawang Pinoy na nasawi sa sunog sa Paris, France.

Ibibiyahe mula Paris Biyernes ng gabi ang mga labi nina Francisco Abalos at misis nitong si Cresencia.

Pagdating ng Pilipinas, dadalhin ang mga labi sa Mangaldan, Pangasinan upang masilayan ng iba pang kapamilya roon ng mga Abalos. Naulila ng mag-asawa ang 3 anak.

Kasama ang mag-asawa sa 10 nasawi sa sunog sa 17 Rue Erlanger sa 16th district ng Paris noong Pebrero 5.
Kasama ang mag-asawa sa 10 nasawi sa sunog sa 17 Rue Erlanger sa 16th district ng Paris noong Pebrero 5.
ADVERTISEMENT
Sumiklab ang sunog bandang ala-1 ng madaling-araw at nagtagal ng halos 5 oras bago naapula ng higit sa 200 bombero.

Ayon sa Paris prosecutor na si Remy Heitz, nasa kustodiya na ng mga awtoridad at iniimbestigahan na ang babaeng suspek na umano'y may psychiatric history.

Nakaligtas naman sa sunog ang 4 pang Pinoy: magtiyahing Norma Batara at Sherilyn Batag at mag-asawang Ferdinand at Mary Grace Alcozer.

Bago tumulak pauwi sa bansa, nagkaroon ng misa sa St. Bernadette Chapel sa Paris na pinangunahan ni Father Don Vito Pavilando. Dinaluhan ito ng mga kaanak, kaibigan, embahada, employers at mga kababayan.

Nagpasalamat ang pamilya Abalos sa pakikiramay, suporta, at tulong pinansyal ng mga kababayan sa Paris. - may ulat nina Maan Alcantara-Rivera at Cory de Jesus, ABS-CBN News