Unang grupo ng OFWs mula Iraq, naghahanda na pauwi ng Pilipinas | ABS-CBN
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Unang grupo ng OFWs mula Iraq, naghahanda na pauwi ng Pilipinas

Maxxy Santiago,
ABS-CBN News
Published Jan 11, 2020 05:51 PM PHT
|
Updated Jan 11, 2020 07:21 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
KUWAIT -- Sampung mga overseas Filipino worker mula Iraq ang lilipad patungong Pilipinas sa susunod na linggo.

Sila ang unang grupo ng mga OFW na uuwi sa ilalim ng mandatory repatriation na ipinapatupad ngayon ng gobyerno ng Pilipinas.

Dadaan ang grupo via Doha, Qatar kung saan sasalubungin sila ni Environment Secretary Roy Cimatu bago tumulak pa-Maynila bago mag-Miyerkoles.

May higit 1,600 OFW ang nasa Iraq ngayon pero karamihan sa kanila ayaw umuwi ng Pilipinas.

ADVERTISEMENT
Nakaantabay pa rin ngayon sa Doha si Cimatu para i-monitor ang sitwasyon ng mga OFW sa Gitnang Silangan.

Nakatakda rin siyang bumisita sa Baghdad at Kuwait.

“We have to be prepared for any eventuality. Mahirap kung saka ka na lang mag-prepare kung nandyan na,” sabi ni Cimatu.

Sa kabila ng paghupa ng tensiyon, nakatakda namang magdaos ang Philippine embassy sa Riyadh ng contingency meeting sa Filipino community, alinsunod na rin sa utos ng pamahalaan na maging handa ang mga OFW.

Samantala sa Kuwait, sa kabila ng pagtaas ng highest security alert level, hindi naman ito ramdam ng mga Pilipino.

Maraming mga Pinoy ang nasa labas at nagre-relax sa old Souq, ang paboritong tambayan ng mga Pinoy lalo na’t weekend.

Mas nababahala pa sila sa napapabalitang total deployment ban ng mga OFW sa Kuwait.

“Dito sa Kuwait, okay naman kami ngayon pero kinakabahan kami kasi baka mamaya tulad ako magbabakasyon sa April, ang embassy wala namang sinasabi kung anong tunay na sitwasyon talaga, makakabalik pa ba,” pangamba ni Roberto Ortega.

Sa ngayon, nananatiling kalmado pero alerto ang mga Pinoy sa Kuwait.